[39] Inspired

43.4K 1.5K 82
                                    

-Chapter 39- Inspired

Princess' POV

Hindi maalis ang nakaukit na ngiti sa mga labi ko tuwing naaalala ko yung gabing magkasama kami ni Basti. That was the happiest night ever. Noon ko lang na-feel na maging prinsesa. Noon ko lang din na-feel na espesyal ako... na mahalaga ako.

At syempre, na girl na girl ako. Hihihi!

Nainspire tuloy kaya naman habang wala akong magawa ay kinuha ko yung gitara ko mula sa loob ng kwarto ko sa quarters at pumwesto sa garden. Umupo ako sa bench at sinimulan na ang pag-strum sa gitara ko. Naiinspire akong tapusin ang kanta ko.

I started humming and singing my song.

"My whole new world

With fantastic view

Change because of you

I'm in a fairytale

Like a magical world

That gives shine in my life

'Cause there's magic in you

Magic that keeps me dreaming 

and dreaming in you hmmm... hmmm..."

 

Hindi ko alam pero nakita ko nalang ang sarili ko na tuloy-tuloy na nakapagsulat ng kasunod na lyrics. Ngayon lang ako naging ganitong ecstatic sa pagcompose ng kanta. Iba pala talaga kapag inspired ka. Nagiging magaan ang lahat ng bagay.

"I dream about you and me

Having sparkling eyes

Heart full of memories

In a wonderful place

 

We're in a fairytale land

You're in my heart and my mind

Living in a pretty castle

Together forever and ever

 

If you keep on dreaming

Fairytales may exist."

Nakangiti ako habang nakapikit ang mga mata.

Ang sarap sa feeling na nakumpleto ko na ang kantang matagal nang tumatakbo sa isip ko. Nahanap ko na ang kulang sa kanta... pati rin kaya sa buhay ko?

Oo, nahanap ko na.

... si Basti ang nagpakumpleto sa akin

"'Cause there's always a magic hmmm---"

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon