[30] Soulmate

42.6K 1.5K 94
                                    

-Chapter 30- Soulmate

Princess' POV

"Maeeeee!! Nakita ko na naman si Basti!!" Halos patili kong sabi kay Mae over the telepad. 

Ganito kami ni Mae tuwing gabi, kapag free ako. Para mabawasan ang pagka-homesick ko, nag-uusap kami through telepad.

"So, anyare? Taon-taon nalang kayong nagkikita, girl! What will happen this time?"

Napasubsob ako sa kama at napanguso nalang. Tingin ko, walang mangyayari! Galit na galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon. Halata sa tingin niya sa akin e.

"Huhuhu! Mae, galit siya sa akin e."

"Mawawala rin yan. Push natin, girl."

"Walang ipupush!" sagot ko sa kanya, dahil naalala ko si Darren. Tinawag niyang Daddy si Basti! "Wala na talagang pag-asa! Ayoko naaaaa!!"

"OA mo! Habang may buhay, may pag-asa."

Tinitigan ko siya ng masama. Papaasahin pa niya ako eh sa wala na ngang pag-asa.

"Makatingin ka dyan, Princess? Oy! Hindi mo ba napapansin? Tingin ko, soulmate mo 'yang lalaking yan! Lagi nalang pinagkukrus ang mga landas niyo."

For a second, kinilig ako ng kaunti. Kaunti lang naman. May point naman kasi siya. Lagi nalang kaming pinagtatagpo ng tadhana pero....

Smile fades...

"Paano ko naman magiging soulmate si Basti kung  may anak na siya? Syempre, kung may anak, may nanay. May asawa na siya!"

Kitang-kita ko sa screen na nabilaukan si Mae. Tapos nakita kong umiling siya.

"Girl, mamimili ka na nga lang ng lalaking magugustuhan mo, yung may sabit pa."

Oo, gusto ko na siya. Nakumpirma ko 'yon dahil kahit isang taon na ang nakalipas, hindi pa rin siya mawala sa isip ko.

"Mae...?"

"Hmmm?"

Nagpangalumbaba ako at ngumuso. Ang saklap ng buhay na 'to. 

"Kailan ko kaya makakamit ang happily every after ko?"

***

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya namomroblema ako sa eyebags ko ngayon. Ano ba 'yan! Hindi ako mapakali kagabi. Iniisip ko pa lang na may anak na si Basti, nalulugmok na ako.

Kasalukuyan akong naglalakad sa Disneyland Park nang may tumawag sa akin.

"Ate!"

Napatingin ako sa direksyong iyon. Si Darren pala. Tumakbo siya sa akin, saka siya yumakap sa akin, partikular sa mga hita ko dahil maliit lang siya.

"Ate, good morning," sabi niya kaya natawa nalang ako. Ang adorable niya. Manang-mana siya sa Daddy niya. Ooppss.

"Good morning din. Nasaan ang d-daddy mo?" Hindi ko mabanggit ang salitang 'yon! Araykupo.

Somebody cleared his throat infront of us kaya naman napatingin ako sa kanya. Si Basti pala. Saglit akong natulala. Ke-gwapong nilalang. Ano kayang ginawa niya sa nagdaan na taon? Mas lalo siyang nagmukhang model e. Tambay ba siya sa gym? Syempre naman hindi. Kung tambay siya dun eh hindi ganyan ang katawan niya ngayon. Mukha na siyang body builder kung nagkataon. Pero sa mga oras na ito, mukha siyang model ng Bench!

"You're late. Let's go," he said, sounding grumpy and turned his back on us.

Nung naglakad na si Basti palayo, naramdaman kong humawak sa kamay ko si Darren at saka ako hinila para sumabay kay Basti.

"Daddy, saan tayo magra-ride?"

"Anywhere you want."

Nakita kong nagpout si Darren bago siya humawak naman sa kamay ni Basti. Bale, hawak ko ang kaliwang kamay niya at hawak naman ni Basti ang kanan niya. Nasa gitna namin siya.

"Don't be so grumpy, Daddy. Nagpromise ka po sa akin na pasasayahin mo ako at sabi mo, maglalaro tayo ng role playing-- a complete family. You daddy, me and Ate Princess as my Mom."

Ha? Nabingi yata ako dun. May sinabi ba ang batang ito?

"Darren--"

"Daddy, please! Be nice to Mommy Princess."

Tumingin sa akin si Basti, nakasimangot siya. Umiwas tuloy ako ng tingin. Bakit ba kasi umoo ako dito e. Huhuhu!

"Fine," tugon ni Basti kaya napatingin ako sa kanya. From straight face, his expression smoothen. "Princess, saan ba ang magandang ride dito para kay Darren?"

Napakagat ako sa dila ko. Bigla nalang kasing umamo ang boses at ang tingin niya sa akin.

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon