-Chapter 4- Hyper Princess
Princess' POV
One step to go and I'm bound to Disneyland. Ewan ko ba, chapter 4 na pero wala pa rin ako sa Disneyland. Ganun talaga siguro kung tinatakam ka ng author dun sa lugar na gusto mong puntahan. Hahaha!
So, anyway, nakafocus ako sa conveyor belt kung saan lumalabas at dumadaan yung mga luggage ng mga passengers. Kanina pa nga akong kating-kati sa kakahintay ng mga beloved suitcases ko.
Wait. Paano kung naiwan 'yon sa Maynila? Iniling ko ng mabilis ang ulo ko. No, hindi pwede. Bukod sa dala ko ang buong buhay ko sa mga suitcases na 'yon, iiyak talaga ako kapag nawala ang mga iyon. Favorite suitcases ko pa naman 'yon lalo na't pinag-ipunan ko talagang bilihin 'yon.
"Ang tagal naman," naiinip na sabi ko sa sarili ko habang tumitingkayad pa ako para hanapin ang mga maleta ko. "Matagawan nga muna ang boyfriend ko. Aha, tama. Dapat malaman niyang nandito na ako sa Hong Kong."
So, I fished out my phone from my pocket and made a call to my ever loving prince charming, Charles. Unti-unting nawala yung ngiti sa labi ko nang marinig kong unavailable yung linya.
Bumuga ako sa hangin saka ko ibinulsa ulit ang phone ko. Busy siguro si boyfie. Baka nasa work pa siya. Bumaling ulit ako sa conveyor belt. Kahit na naiinip na ako sa kakahintay, ngumiti pa rin ako. Positive vibes lang dapat!
Pagkalipas ng ilan pang minuto, nakita ko na yung isa kong suitcase.
"Sa wakas," sambit ko sa sarili at sinalubong na yung suitcase ko. Sa bigat nito ay nahirapan pa ako sa pagtanggal dun sa conveyor belt. Nadala tuloy ako!
"Ay! Ano ba 'yan. Wait lang..." sabi ko habang hinihila yung suitcase ko mula roon. Buti nalang may lalaking lumapit sa akin para tulungan ako.
Syempre, ngiting tagumpay naman ako. "Thank you, Sir!"
"No problem. Is this yours?"
"Yes."
"Cute, huh? Frozen design," komento niya saka niya iniabot sa akin yung handle ng suitcase ko. Yaaaah! Kaya nga ayaw kong mawala ang mga suitcase ko. Mawala na ang gamit ko, wag lang 'tong Disney collectibles ko. Hmp!
"Yeah, I love Frozen particularly Elsa and Anna. Even the song 'Let It Go'. Naku, I love that song! Ehem, let it go~ Let it go~ can't hold it back anymore~" kanta ko pa kaya natawa si kuyang foreigner.
May lumapit na red haired-lady kay kuyang foreigner kaya napatingin ako sa kanila. Ang ganda ni ateng! Para siyang si Ariel ng The Little Mermaid. red din kasi ang hair.
Napatutop tuloy ako sa bibig ko habang nakatitig sa kanila. Yay! Wala pa ako sa Disneyland pero parang nakakita na ako ng real life Disney princess!
"Are you a mag-asawa... I mean, couple?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Magic In You [Completed]
ChickLitThis all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves