[47] This Is It!

43.4K 1.4K 139
                                    

-Chapter 47- This Is It!

Princess' POV

Wala na akong oras para mapag-isipan ang offer sa akin ni Mr. Fortich. Well, hindi naman na kailangang pag-isipan diba? Ito na yung pinto sa katuparan ng mga pangarap ko.

Ipinaalam ko na rin agad kay Papa ang tungkol dito at kagaya ko ay tuwang-tuwa siya para sa akin. Sa katunayan ay hinatid pa nila ako ni Mae papunta sa NAIA kanina. As for my job sa coffeeshop, nag-file muna ako ng 2 weeks leave. Hindi naman ako magtatagal sa HK and besides, I only came here for the song's launch.

Pagkaapak pa lang ng mga paa ko palabas ng taxi, halo-halong emosyon na ang naramdaman ko. Pagkatapos ng anim na buwan, nagbabalik ulit ako dito sa HK Disneyland Hotel. #Nostalgic

"Princess!!" 

Nakita ko kaagad si Manang Helen sa entrance. Emeghed, namiss ko siya ng bonggang bongga!

"Manang Helen!" Hinila ko na yung nag-iisa kong suitcase na dala palapit sa pwesto niya saka ko siya niyakap. Inipit niya naman ako sa mga bisig niya at pinaghahalikan ako sa ulo. "Namiss po kita!"

"Namiss din kita, anak." Bumitaw siya sa pagkakayakap tapos kinuha niya ang suitcase ko. "Kamusta ka na? Namamayat ka yata, Princess."

"Hindi naman po. Ayos lang ako."

Pumasok siya sa loob ng lobby kaya sinundan ko siya. Nagulat ako nang salubungin ako ni Sam. Ginulo niya pa ang buhok ko bilang pagbati sa akin. "Sam! Ba't ka nandito? Wala ka bang duty ngayon?"

"Meron pero diba sabi mo sa akin na ngayon ang dating mo dito sa HK?" sabi niya saka niya ako siniko ng mahina. Madalas kasi kaming magkausap sa telpad ni Sam kaya alam niya. "Congrats pala para sa kanta mo. Nandun na si Mr. Fortich."

Sinundan ko ng tingin ang nginunguso niya. Bigla tuloy akong kinabahan nang makita si Mr. Fortich na nakapwesto sa table over-looking the Disneyland Para. Sinenyasan ako ni Manang Helen na lumapit na kaya napahinga ako ng malalim.

This is it!

"Good afternoon, Sir." Bati ko nang makalapit na ako ng tuluyan sa table. Nakuha ko naman ang atensyon niya kaya naman tumayo siya at nginitian ako.

"Ms. Madrigal, it's been awhile. How're you?" tanong niya pa.

"I... am fine. Thanks," sabi ko at umupo sa harapan niya. Tumabi rin sina Manang Helen at Sam sa magkabilang gilid ko.

"I won't take this any longer 'cause I know you're tired from the trip, so..." huminto siya at ngumiti ng makahulugan sa akin. "The ceremony will be happening in a couple of days. Everyone is going to be there because there's gonna be a big presentation at the park. Your song will be launch in there."

Namanhid ang buong mukha ko sa sinabi ni Mr. Fortich. Parang panaginip lang ang lahat ng ito. Gusto kong magtatatalon sa saya pero siguro mamaya nalang. Ohmayghad! THIS IS REALLY IS IT!

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon