-Epilogue-
Princess' POV
Dumating na ang gabing pinakahihintay ko. Ngayon na ang song's launch ko kaya naman abot abot na ang kabang nararamdaman ko sa dibdib ko.
Nao-overwhelm ako sa nangyayari sa paligid. Pinapatugtog ang instrumental version ng kanta ko habang ang lahat ay abala na sa pag-set up ng performance. Nandito ako ngayon sa backstage, pinagmamasdan ko ang bawat performers. Ghad, I still can't believe this is happening. Parang noon lang ay isinusulat ko pa ang kantang iyon out of boredom and homesickness tapos heto na ngayon, magiging parte na ng Disneyland.
My dream has finally come true.
"Everyone! Go to your positions now!" sigaw ni Mr. Fortich. Lumapat ang tingin niya sa akin pagkaharap niya tapos nginitan niya ako at nilapitan. "And you, Ms. Madrigal, you just have to sit back, relax and enjoy the entire event."
I smiled a little. Natupad man ang pangarap ko, pero pakiramdam ko ay may kulang pa rin. Alam ko naman kung sino ang dahilan kung bakit nangyayari ito ngayon. Napabuntong-hininga nalang tuloy ako. Kalimutan mo na nga siya, Princess! Baka ginawa lang niya ito para bumawi sayo dahil nagiguilty siya sa paglalaro sa feelings mo!
Marahil ay may sinabi pa si Mr. Fortich pero hindi ko na naintindihan. Nawala na naman ako sa sarili. Tsk. "Let me take you to your seat," sabi niya at pagkatapos ay in-offer niya ang kanyang kanang braso sa akin.
Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko nang makita ang audience habang papalapit kami sa seat ko. Nakita ko pa sina Sam at Manang Helen na kumaway sa akin sa kaliwang direksyon, first row. Siguro dun din ang pwesto ko.
"Mr. Fortich!"
Sabay kaming napalingon ni Mr. Fortich sa sumigaw. May babaeng tumakbo palapit sa 'min. Para siyang natataranta na.
"Yes?" said Mr. Fortich.
"The light director is looking for you now," sabi pa nito. Napatingin tuloy sa akin si Mr. Fortich kaya ngumiti nalang ako.
"You can go now, Mr. Fortich. Pwede ko--- I mean, I know where I'm gonna seat. Beside Manang Helen, right?"
Umiling siya at tumuro sa kanan na aisle, first row. "There. You'll seat beside the owners," sabi pa nito at ngumiti. "I am sorry I can't accompany you. I am kinda busy. Enjoy the show anyway," he said and left.
Nanlaki tuloy ang mga mata ko sabay tingin sa pwestong itinuro niya. Kaya pala wala pang nakaupo dun. What the? Makakatabi ko ang mga owners ng Disneyland? Oh my ghad. Sobra-sobra ito sa pinapangarap ko!
Tensyonado akong lumapit sa designates seat ko. May nakasulat kasing Princess Madrigal. Paupo na sana ako nang may tumawag sa pangalan ko.
"Princess..."
Natigilan ako sa boses na iyon. Nabato ako sa kinatatayuan ko. Nilingon ko siya at nakumpirmang si Basti nga ito.
BINABASA MO ANG
The Magic In You [Completed]
ChickLitThis all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves