[12] They Meet Again

47.1K 1.8K 134
                                    

-Chapter 12- They Meet Again

Princess' POV

"IKAW?!" Ang talipandas! Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Nagkita rin kami makalipas ang isang taon.

"Excuse me--"

"Excuse me mong mukha mo!" Bumalik sa sistema ko ang galit ko sa kanya. Ang sarap niyang sabunutan ngayundin! "Ikaw 'yon! Hindi ako pwedeng magkamali. Ikaw yung walanghiyang nagpakalat ng video ko, Basti Rivera!"

Napanganga siya at kunot-noong tinitigan ako. "Look, Miss. Hindi ko sinasadya. Hindi ko naman alam na magiging viral yun---"

"Pakihanap ng pake ko. Tse! Alam mo ba kung anong ginawa mo sa buhay ko? Ang saya mo e! Sarap mong... Grr! Nakakainis ka!"

Pilit ko siyang inaabot para hampasin kaso dahil sa mga nakakainis na nakaharang sa katawan ko ay hindi ko magawa. Grr!

"Miss, sorry!"

"Sorry? Sorry lang? Kahihiyan 'yon!!"

"Listen, hindi ko naman alam na magiging viral 'yon. I just thought that you were really pretty even you were crying so I took a video of you."

That stop me for a second. In fairness, nagandahan siya sa akin. Sabi na e, maganda talaga ako. Pero wait... Noooo! Wala akong pake kahit nagandahan siya sa akin. Grr! Sinira niya ang reputasyon ng isang Princess Madrigal!

"Tse! Hindi mo ako madadaan sa--- KYAAAAAAH!" Nakalimutan ko! Kasalukuyan nga pala kaming nakasakay sa RC Racer! At ngayon ay bumibilis na ang andar nito. Hindi lang bumibilis kundi tumataas pa! Feeling ko, nadidislocate na lahat ng internal organs sa katawan ko.

"AAAAAAAAAAAHHHHHHH!!! Ayoko na!!"

"Hey, calm down!" Narinig kong sabi ng talipandas sa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Don't be scared."

"Tse--! AAAAHH!" Ayan na naman at bumababa kami ng pabigla kaya naman... "AAAAAAAAHHHH!"

Gusto ko ng masuka! Nahihilo na ako!!!

"AAAAAHHHH!"

"Hey," he caught my attention. "Hawakan mo ang kamay ko."

"Ayoko nga!!" Naiiyak at medyo nagpapanic na tugon ko. Asa siya. Close kami?!

"Para nga mabawasan yung takot mo e," dahilan niya. Naramdaman ko na naman na paakyat kami. Kainis! Ang pangit pa naman sa feeling nung pababa na.

"Dali na..." sabi niya.

Huminga ako ng malalim at inabot ang kamay niya. In fairness, malambot ang kamay niya huh? Halatang mayaman. Teka, ayan ka na naman Princess! Stop it!

And here it goes again! 

"AAAAAHHH!" sigaw ko nung pababa ulit kami. Naramdaman kong pinisil niya ang kamay ko at...

...  bumulong siya sa akin, "Miss, look at my eyes. Just look at me so you won't get scared," sabi niya at wala na akong nagawa kundi ang titigan siya sa mga mata.

Pakiramdam ko tuloy ay wala na kami sa RC Racer, kundi ay nasa trip to heaven na kami. Am I with an angel?

-

A/N: Pagbigyan niyo na ako sa mga maiikling updates. Twice a day naman ang updates ko diba? Huehue

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon