[21] Extreme Basti

46.4K 1.7K 61
                                    

-Chapter 21- Extreme Basti

Princess' POV

Nakasapo lang ako sa tiyan ko habang naglalakad-lakad kami sa Disneyland. Hindi ko alam na extreme rides pala ang trip ni Basti! Kawawa ang makakasama nito ni Basti tuwing pupunta siya rito. Huhuhu!

"May roller coaster yata dun o'. Yung Space Mountain. Tara," sabi ni Basti pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Tumigil-tigil ka, Basti. Maawa ka naman sa akin. Ang saya mo ah!"

He just grinned like a fool to me. Nakakaloko talaga ang ngisi ng isang 'to.

Hindi na ulit ako nagsalita pagkatapos nun. Tahimik lang kaming naglalakad nang makita ko si Princess Aurora na naglalakad din sa park. OMG! Nagningning tuloy ang mga beautiful eyes ko.

"Basti, tara dun!"

Hindi ko na siya hinintay at tumakbo na kay Princess Aurora. May mga batang nagpapapicture sa kanya pero walang kyeme akong nakasiksik at nakitabi kay Princess Aurora.

Nakita ko si Basti na pa-cool na lumapit kaya hinila ko siya at nilabas ang phone ko. "Picture-an mo kami, Basti! Bilis!"

Sasabog na yata ang butterflies sa stomach ko dahil sa presence ni Princess Aurora! Kyaaaah!

"Akala ko ba no selfies?" sabi ni Basti kaya pinandilatan ko siya ng mata.

"Edi wag! Ako nalang," sabi ko at tinulak siya roon.

And I took a selfie with my Princess Aurora. OMG! I-DDP ko 'to!

***

All throughout our tour sa loob ng Disneyland, puro extreme rides lang ang sinasakyan namin ni Basti. Walangya talaga! Kaligayahan niya yata ang tumili ako. Wagas makahalakhak e'!

"Sinabi ko na ngang ayoko na sa RC Racer pero pinilit mo pa rin ako! Yung totoo, Basti, gusto mo bang patayin ako?"

Walang kasawaang RC Racer. Ewan ko ba sa trip niya. Gusto niya talaga ang mga extreme rides. Pwede namang siya nalang, pero isinasama pa rin ako.

"Enjoy nga e."

Inirapan ko lang siya at saka ako napahawak sa lalamunan ko. Ang sakit, in fairness. "Wala na yata akong boses."

Hindi ako pinansin ni Basti dahil mas nauna na siyang naglakad. Tumakbo naman ako para sabayan siya. Kanina ko pa siya napapansin na animo'y bata siya; yung batang first time lang na makarating ng Disneyland. Yung batang full of excitement sa katawan.

Gano'n si Basti sa mga oras na ito.

"Saan pa magandang sumakay?" tanong niya.

Napanguso nalang ako sa tanong niya. Ganyan naman siya e. Tatanungin niya ako kung saan magandang sumakay tapos kapag magsasuggest naman ako, sasabihin niya; 'pambata naman 'yan'.

"Saan pa, Princess?" tanong niya nung mapansin niyang hindi ako kumibo.

"Nahiya ka pa. Sakyan na natin ang lahat ng gusto mong sakyan," sarkastikong tugon ko.

"Ikaw naman ang magsuggest."

"Wala akong isasuggest."

"Okay," sabi niya at nagkibit-balikat nalang. As usual, nauna na naman siyang naglakad. For some reason, napatingin ako sa kaliwa ko. Sabay ngiti. Oohhh, Cinderella's Carousel!

Tinignan ko ulit si Basti. Naglalakad pa rin siya palayo. Napangisi tuloy ako at pasimpleng nakipila sa Carousel. Yay! Bahala na si Basti sa buhay niya. Mamamatay ako kapag sumama pa ako sa kanya.

Nung malapit na ako sa entrance ng carousel, naramdaman ko nalang na may nagpatong ng dalawang kamay sa magkabilang balikat ko. Napapitlag tuloy ako sa gulat.

"Hindi mo naman sinabing gusto mong sumakay dito." Boses ni Basti!

Tinulak niya ako paloob at siya itong unang sumakay sa isa sa mga kabayo roon. Tinitigan ko lang siya ng buong pagtataka. Seryoso ba 'tong nakikita ko? Si Basti, mas excited pa yata sa akin na sumakay sa carousel?

"Hey, ride on."

Wala akong imik na pumwesto na rin. Katabi ko yung sinasakyang kabayo ni Basti. Awkward lang kasi, puro bata yung mga kasakay namin. But never mind, mukha naman akong bata. Hihi

Mayamaya lang ay umandar na ang carousel. Hindi kagaya ng mga una naming sinakyan, banayad lang ang pag-ikot nito. 

Napatingin ako kay Basti. Tahimik lang siyang nakahawak sa bakal ng sinasakyan niya. Nakangiti lang siya. Parang inosenteng batang enjoy na enjoy sa sinasakyan namin.

Nabigla ako nang tignan niya ako. Maghahanda na sana ako sa pang-aasar niya this time, pero mukhang mali ako.

Ngumiti lang siya sa akin ng matamis saka siya tumingin muli sa harapan niya.

From that very second, I admit, he looks cute. He looks like a cute little kid enjoying the carousel ride. May ganito palang side si Basti.

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon