-Chapter 49- Player
Princess' POV
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon para mapagaan ang loob ko. Gusto kong maglasing para makalimutan sana kahit saglit ang nangyari sa akin kanina pero mas pinili ko nalang ang magmukmok sa hotel suite ko.
Naninikip ang dibdib ko tuwing naaalala ko ang eksenang iyon. How dare he do this to me? Akala ko ba, gagawa siya ng paraan para magkasama kami ulit? Eh ano 'to?!
"Princess, calm down."
Kausap ko si Mae sa Telpad ngayon, just like the old times. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina at pati siya ay hindi rin makapaniwala. Boto ba naman kasi siya sa lalaking yun e.
"How can I calm down? Pinaasa niya ako! Kung ano-ano pang mabubulaklak na salita ang sinabi niya sa akin tapos mang-iiwan lang pala siya? Pinagmukha niya akong t*nga. Wala siyang isang salita!!"
Bumuhos na naman ang mga luha ko. Nakakainis! Palagi nalang ba akong ganito? Ang malas ko naman sa pag-ibig.
"Naiintindihan kita, Princess. Pero kailangan mong kumalma. Please be alright. Diba sabi mo, sa makalawa na yung song's launch mo? Ilagay mo muna dun ang mindset mo."
Nagpakawala ako ng buntong-hininga sa sinabi niya. Tama siya. Kakalimutan ko na si Basti. Tatanggalin ko na siya sa buhay ko.
Napatiim-bagang ako habang nakatitig sa screen. "Peksman, hindi ko na kakausapin si Basti kahit kailan. Pinaglaruan niya ako, binilog niya pa ang ulo ko," gigil na sabi ko at marahas na pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. "Best wishes nalang sa kanila. Pakasaya sila."
"Sayang si Basti, girl. Malaking paasa nga lang. Pero come to think of it, bakit siya nagte--"
"Simula ngayon, wala na akong kilalang Basti Rivera!" sabat ko at pinutol na ang usapan namin. Back to zero. Magfofocus nalang ulit ako sa trabaho ko kagaya ng ginawa ko noon.
Ganun ba talaga ang mga lalaki, mahilig maglaro ng feelings naming mga babae? Sana sinabi niya na noong una pa lang nang nakilaro rin ako. Peste siya!

BINABASA MO ANG
The Magic In You [Completed]
ChickLitThis all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves