-Chapter 40- Happy Endings
Basti's POV
"Aren't you glad about it?" My smiled slowly faded when I noticed her sad eyes.
Bumitaw siya sa kamay ko at umiwas ng tingin. "Basti, uuwi na kasi ako sa Pinas eh."
"What?"
Bumaling ulit siya sa akin nang nakangiti pero hindi ako tanga para hindi mahalata sa mga mata niya na malungkot siya. "Uuwi na ako sa Pilipinas. Kakatapos lang kasi ng contract ko at..."
She paused and I waited for her to continue what she's about to say.
"... at kailangan kong alagaan ang Papa ko. May sakit siya," she said in a low tone.
I felt a twinge of pain against my chest so I had to take a deep breath and calm myself. In just a snap, my hopes sunk.
"K-kailan ang alis mo?" I stammered.
"Sa makalawa na."
Hindi na ako nakaimik pa. I felt as sad as the dark night. Kung kailan unti-unti nang lumiliwanag ang buhay ko, saka pa didilim ulit. Sh1t.
"Basti--" she sounded very guilty.
I managed to flash a fake smile so that she won't worry about me. Sanay na ako. Sanay na ako sa ganito-- lagi nalang mag-isa.
"It's okay," I said trying so hard not to sound so distressed. "Kapag nasa Pilipinas ka na, gagawa ako ng paraan para maging in touch pa rin tayo."
She stared at my eyes as she sighed deeply.
"Gusto rin kita, Basti," she said and I can't help but to hug her to my chest.
Darn, mas pinahihirapan mo pa ako, Princess.
Princess' POV
Totoo nga ang sabi nila na kapag sobrang masaya ka, babawian ka rin ng kalungkutan. Hindi ba pwedeng palagi nalang masaya? Nakakapagod na rin kasing maging malungkot. Kung kailan naman dumating na yung taong nagpapakumpleto sa akin, saka pa nangyayari ang lahat ng ito.
"Mae, anong gagawin ko? Paano na si Basti?"
Kausap ko si Mae ngayon through telepad. Wala kasi akong mapaglabasan ng sama ng loob ko ngayon. Nahihiya naman akong abalahin si Manang Helen. Pakiramdam ko, lugmok na lugmok ako.
"Princess, tapos na rin kasi yung contract mo dyan diba? Tapos, ang Papa mo naman dito kailangan ka. Alam mo namang may sakit si Tito diba?"
Mas lalo tuloy akong nahihirapan. Kailangan ako ni Papa. Kailangan kong umuwi.
"Akala ko, magiging masaya na ako. Akala ko, magkakasama kami ni Basti kapag umuwi ako sa Pinas kaso mag-i-stay siya rito. Imposible na e," malungkot na sabi ko sa kanya.
Nakatingin lang sa screen si Mae, samantalang ako ay nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard.
"Magiging okay din ang lahat, girl. May iba pa namang paraan e. Edi magtelepad din kayo, skype, e-mail, calls. Princess, cheer up."
Namumuo na naman ang luha sa mga mata ko. Napalunok ako at pinigilan ang sarili na humikbi. "Pero alam mo namang hindi na ako naniniwala sa long distance relationship after ng nangyari sa amin ni Charles, diba? Hindi rin 'to magwowork, Mae."
"'Wag ka namang nega."
"Naniniwala ako sa happy endings at alam kong si Basti ang happy ending ko pero hindi ako naniniwala sa LDR." Bumuntong-hininga ako at pinunasan ang luha na bumagsak sa pisngi ko. "Sorry kung sayo ako nag-oopen up, Mae. Ang hirap kasing sarilinin e."
"Ano ka ba. Bestfriends tayo diba? 'Wag kang mahihiya sa akin. Basta yung pasalubong ko ha?"
Natawa nalang ako ng mahina kahit mabigat ang dibdib ko. Masaya ako dahil throughout these years, pakiramdam ko ay nasa Pinas pa rin ako dahil kay Mae.
"Pero Princess, diba naniniwala ka rin naman sa destiny? Sa magic. Kung kayo talaga ang para sa isa't-isa, matik na. Pagtatagpuin pa rin kayo kahit ano pa man ang mangyari."
Sana nga, pero nakakalungkot pa rin yung katotohanan na magkakahiwalay kami.
BINABASA MO ANG
The Magic In You [Completed]
Chick-LitThis all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves