[9] Revenge

54.8K 1.8K 118
                                    

-Chapter 9- Revenge

Princess' POV

"Ano ba 'to! ARGH!!" Halos maibalibag ko na yung laptop ko dahil sa videong ito. Hindi ako pwedeng magkamali. Ako 'to! Akong ako talaga 'to!

Halos umiyak na ako ng dugo nung makita ko yung total views ng video na 'yon. It already reached thousands of views! Ghad! You're so doomed, Princess! 

"Sino ba kasi ang talipandas na nag-upload nito sa Youtube???!!! Ang famous niya ha! Kahapon lang niya 'to vinedeohan at kagabi lang inupload tapos thousands na agad ang views ngayon?"

Bumangon ako sa kama at naglakad ng parit-parito habang sapo-sapo ang ulo ko. Masakit na nga ang puso ko, masakit pa ang ulo ko. Mababaliw na yata ako!!

"Kailangan maalis ng video na 'yan!" Tinuro ko pa yung laptop ko, saka ako bumalik sa kama. Sa totoo lang, ayoko talagang basahin yung mga comments e. Ayoko talaga. Netizen ako at alam ko yung mga possible na mababasa ko dun. Kaya ayoko talaga!

"Grr! Ang dami na ring nag-share. AAAARGGGGH!!" Napasabunot nalang ako sa buhok ko at nakangusong humarap sa laptop. At bigla nalang pumasok sa isip ko na... "Paano kung naghihysterical lang ako? Baka naman positive yung mabasa kong feedbacks. Princess, you're so cute kaya!"

So, ini-scroll down ko yung page only to see...

... bunch of mocking comments.

'WTF? HAHAHAHA! Is she lost or something?'

'Iyak pa more! LOL'

'Grabe tawa ko dito. Mukhang engot. Hahahaha!'

'Sino 'to? Maganda sana kaso parang may saltik.'

'Nasa Disneyland ka, girl. Wala ka sa burol. XD'

'Shabu pa, Miss.'

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa mga nabasa kong comments. WHAT THE FUDGE? Sino bang nagpost nito nang mapalapa ko kay Beast?!

"Ang kapal ng mukha. Umiiyak na nga ako tapos pagkakatuwaan pa ako?!" Nanggigigil na sambit ko habang padabog na ginagalaw yung mouse pointer.

Hanggang sa mapansin ko yung display picture nung nag-upload. Clinick ko iyon at dinala ako sa mismong youtube profile ng user. Nakita ko nalang ang sarili ko na nag-sstalk sa kung sinumang palakang nag-upload ng video ko.

Kung saan-saang social media account ako napunta, pero puro private accounts ang mayroon siya. Miski sa facebook at twitter ay nakaprivate siya but I found out that his name is Sebastian Lewis Rivera or simply Basti Rivera.

"Playing safe huh? Hindi kita tatantanan, Rivera!" Nagngingitngit na bulyaw ko. So, ibig sabihin nasa Disneyland din siya kahapon. Malamang, nandito pa rin siya sa Hong Kong ngayon. "'Wag na 'wag lang kitang masasalubong dito sa Hong Kong kundi sasakalin kita!"

Grr! Nahahighblood na talaga ako. 

At dahil nakaprivate siya sa facebook at twitter at wala akong mapapala roon, sinearch ko naman ang pangalan niya sa Google.

'Sebastian Lewis Rivera'

Enter!

Waley. Same account on facebook at twitter ang lumabas. So, ang next ko namang tinype ay ang 'Basti Rivera'.

Enter!

"Gotcha!!!" bulalas ko nang may lumabas na resulta sa sinearch ko. May instagram siya! "Sana lang ay hindi na nakaprivate," bulong ko sa sarili ko bago ko clinick ang link.

And that's it! Hindi nakaprivate ang IG niya, at puro selfie pa niya ang nakapost. Clinick ko yung latest picture niya na kakapost lang 10 minutes ago...

'Manila bound' ang caption.

The guy was a little bit familiar to me. Hindi ko alam kung artista ba siya o model. Okay, inaamin ko, gwapo, maputi, papable... este ano ba, Princess! Erase! Erase! Erase! Winalang hiya ka niya, Princess! 'Wag kang ano dyan!

Prinint screen ko ang picture niya at sinave ko yun sa laptop ko, saka ako huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"Basti Rivera, kahit anong mangyari, makakaganti din ako sayo," I said in gritted teeth.

BASTI'S POV

Wala namang dahilan pa para mag-stay pa ako dito sa Hong Kong. Hindi na naman dumating sina Mom at Dad. Palagi naman e. Aasa-asa pa kasi ako. Malamang may business trip na naman sila o 'di kaya'y nag-away na naman just like what they always do. Tsk.

To kill time, I took a selfie of myself while I was waiting for the plane, and posted it on my IG right away with a caption;

'Manila bound'

I sighed as I looked at my phone. I've been always like this every year, having false hopes from my family. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na kahit isang araw ay masamahan nila ako. Yun ang prinomise nila sa akin mula pa pagkabata ko pero kahit kailan ay hindi nila natupad.

Habang nakatulala ako sa glass wall na kaharap ng airplane parking, naramdaman ko ang pagvibrate ng phone sa bulsa ko kasabay ng announcement sa airport.

"Your attention please, passengers for Hong Kong, flight A472 to Manila, immediate boarding please at gate B5."

'That's my flight,' I thought as I got up to my feet. Habang naglalakad ako ay chineck ko muna yung sms ko at automatikong napangisi ako sa nabasa ko.

From: Kuya Louis

Your newly uploaded video has gone viral, dude. Congrats for the bunch of shares, likes and views. Chick mo?

I cracked out a laugh at what I've read. 'Yon? Chick ko? No, thank you. Though she's cute, I'd rather be single than to have a silly girlfriend like her.

-

A/N: Bukas nalang, pips. Masama ang pakiramdam ko. ._.

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon