-Chapter 44- Unexpected Visitor
Princess' POV
Halos isang buwan na ako dito sa Pilipinas. Medyo naging busy din ako sa nung mga nakaraang Linggo dahil nag-try akong mag-apply ng trabaho. As much as possible, gusto ko yung malapit lang sa bahay para madali akong makauwi. Lalo na't kailangan din ako ni Papa.
Sa araw, umaalis ako para maghanap ng pag-aapply-an. Ang target ko ay sa mga hotels o restaurants, pero mas cool din daw ang call center agent kaya susubukan ko rin dun. Actually, call center agent din si Mae kaya siya yung nagpush sa akin na subukan ko. So, eto ako ngayon, five days nang nagtetraining sa isang call center training school.
Pag-uwi ko sa bahay galing sa training, diretso agad ako sa bahay para asikasuhin si Papa. Thank God, dahil bumubuti na ang lagay niya.
Nagwawalis ako sa labas ng kwarto ni Papa nang maisipan kong i-check siya. Binuksan ko ang pinto at naabutan ko siyang natutulog na. I feel so relieved seeing him fine. Sana magtuloy-tuloy na.
Pumasok ako sa kwarto at humila ng upuan sa gilid ng kama. Pinagmasdan ko si Papa habang natutulog siya ng mahimbing. Kung nandito lang sana si Mama, edi sana may tumutulong sa akin sa pag-aalaga kay Papa.
"'Pa, pagaling ka ha? Mag-iipon pa ako para maipasyal ko kayo sa Disneyland kapag magaling ka na talaga," bulong ko sa kanya habang nakangiti. Hindi ko 'to masabi sa kanya ng harapan dahil sabi niya ay ayaw niya ng drama. Yun ang gusto ko sa kanya e, siya ang nagturo sa akin na ngumiti kahit may problema.
Narinig ko ang mahinang pagkatok sa pinto kaya napalingon ako. Bumukas ang pinto at pumasok sina Belle, Sonny at Tin-Tin.
"Tita."
Napangiti ako dahil nakita kong suot na ni Tin-Tin yung binigay ko sa kanyang Mouse headband. "Bagay sayo, Tin-Tin."
"Salamat po."
Nagtatrabaho bilang teachers ang parents nila kaya naiiwan sila dito sa akin after school. Wala rin kasing time sina Kuya Ronel at Ate Mika. By the way, si Kuya Ronel ang kapatid ko samantalang si Ate Mika naman ang sister in law ko.
"Tita, tulog po si Lolo?" tanong ni Sonny tapos sinilip niya ang mukha ni Papa. "Ay, tulog na nga. Sabi niya, maglalaro daw po kami ng chess ngayon eh."
"Pagod kasi ang Lolo niyo," sabi ko. Ngumuso naman si Sonny. "Maglaro nalang kayo sa garden. 'Wag kayong lalabas ng gate ah?"
"Kwento nalang po kayo, Tita Princess," sabi ni Belle tapos umupo siya sa sahig. Nakiupo na rin tuloy sina Sonny at Tin-Tin.
"Ano na namang ikukwento ko? Disney stories na naman?" Natatawang sabi ko. Hindi na ba sila nagsasawa dun? Simula pagkabata nila, yun na ang kinukwento ko sa kanila. Oh well, kunsabagay, miski ako ay hindi rin nagsasawa.
"Tungkol nalang po sa Disneyland!" sabi ni Belle.
BINABASA MO ANG
The Magic In You [Completed]
ChickLitThis all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves