-Chapter 13- Jealous Girlfriend
Princess' POV
Thank God at natapos na rin ang nakakamatay na ride na iyon. Ewan ko ba kung ba't na-enjoy 'yon ng ibang nakasakay pwera nalang sa akin na halos mag-rumble na ang internal organs ko roon during the ride.
As expected, disoriented akong bumaba sa ride na iyon. Nanlalambot pa ang mga tuhod ko at medyo nahihilo pa. "Hindi na talaga ako sasakay dyan," bulong ko sa sarili ko.
Habang naglalakad ako palabas ng RC Racer ay narinig ko na naman ang boses ng talipandas na nakatabi ko kanina. "Miss!"
Syempre, dinedma ko lang siya. Pasalamat siya dahil wala ako sa sarili ko ngayon. Medyo nadrain pa yata ang energy ko. Kung nagkita sana kami sa ibang sitwasyon, malamang mabangasan ko siya.
"Miss, wait!"
Hinawakan niya ako sa braso kaya hinarap ko siya. "Ano ba! Bibingo ka na sa akin e'!"
"Are you okay?" Nag-aalangan niyang tanong kaya inirapan ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Wow, bait-baitan ang peg? Tss. "Let me help you. You look dizzy."
At inalalayan nga ako sa paglalakad!
"Bitawan mo nga ako!" Tinulak ko siya ng malakas palayo sa akin. Grr! Kumukulo na naman ang dugo ko. Pigilan niyo ako! Pababagsakin ko 'to!
"Miss--"
"Miss mong mukha mo! Kung sa tingin mo ay abswelto ka na sa ginawa mo sa akin---" Napatigil ako saglit. Naalala ko yung holding hands scene namin during the ride. ARGH! Nakakahiya! "--- p-pwes, nagkakamali ka! 'Wag kang magpaka-nice guy sa akin dahil sinira mo na ang buhay ko! Dahil sayong talipandas ka, hindi ako makauwi-uwi sa Pinas! Argh!"
Gusto ko siyang sapakin pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Not here, Princess. Baka madampot ka ng security ng Disneyland!
"I'm sorry. I didn't mean it," he apologized but I ignored him.
Bigla namang may sumulpot na babaeng naka-shorty short shorts, sleeveless tops at high heels sa tabi niya. Nakataas pa ang kilay niya sa akin, saka ito nagpalambitin sa braso ng talipandas. Joke. Exaggerated much lang. Humawak lang talaga siya sa braso niya, actually.
"Who's she, Basti?" tanong nung babae, at mas lalo akong tinignan ng masama mula ulo hanggang paa. Edi wow!
Tumingin sa akin si Basti sabay buntong-hininga niya.
"Nakasakay ko lang siya sa RC Racer. Mukhang nahihilo siya kaya inalalayan ko na rin. She's a Filipino by the way."
Tumagilid lang ang labi ng babae sabay tango. That moment napansin kong selosa ang girlfriend niya.
"Uh, okay. Tara na, Basti. Let's go somewhere else. I saw a good ride dun. C'mon!" sabay hila niya kay Basti na nananatiling nakatingin lang sa akin.
"Basti! Let's go."
Umalis nalang ako dun dahil alam kong hindi ako feel nung girlfriend nung lalaking yun. That Basti jerk.
Umupo ako sa pinakamalapit na bench. Hindi ako mapakali. Alam ko sa sarili ko na chance ko na ito para gumanti sa Basti na 'yon! Nandito na siya. Nagkita na ulit kami. Aba't hindi ko na palalagpasin ang chance na ito.
"Princess, nandyan ka pala! Hinihintay kita dun sa exit ng RC Racer e." Nakita ko si Sam na patakbo papunta sa akin, saka ito tumabi sa akin sa bench. "Ano, kamusta ang rides?"
Halos magkasalubong na ang mga kilay ko. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ako nakakaganti! Sa paanong paraan ba?
"Nakita ko siya, Sam."
"Sino?"
Napatiim-bagang at napakuyom ako ng mga kamay. "Yung may sayad na nag-upload ng video ko sa internet."
"Ha?"
"Kailangan kong gumanti."
"Princess--"
Padabog kong inagaw sa kanya ang bag ko bago tumayo. "Basta gaganti ako sa kanya!" bulyaw ko at naglakad na palayo.
-
A/N: 3 updates tomorrow. *winks* Si Sasha nga pala yung nasa picture.
BINABASA MO ANG
The Magic In You [Completed]
ChickLitThis all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves