[8] Viral

53.6K 1.8K 75
                                    

-Chapter 8- Viral

Basti's POV

I slumped on the bed and started doing my business on my laptop. Just like a typical guy, I am fond of internet. I always surf the internet during free time. I love capturing photos and recording videos and then post them either on instagram or Youtube.

And this time, mayroon akong magandang video to upload ngayong gabi. Surely, it'll hit thousand of views on Youtube!

Nilabas ko ang phone ko at kinonekta na iyon sa laptop ko and after just a matter of a few clicks, 100% uploaded na ang video na kanina ko pa pinapanuod.

"Gotcha," I said as a playful smirk formed across my lips. Muli kong pinanuod ang video na kinuha ko kanina and I can't help but to shake my head in amusement. "This girl must have gone nuts."

Sorry, Miss. Sorry for making fun of you. Hindi na rin naman tayo magkikita ulit.

Princess' POV

"Chaaaaaaarles!! Bakit kailangan mong gawin sa akin ito? Nag-ipon pa naman a-ako para lang sundan ka dito pero anong gina....g-ginawa mo sa akin! Nakakainis ka! I hate you! I hate yoooooouuuuuuuuuuuu!!!!"

Sinapak, binugbog, sinipa-sipa, at pinagtatadyakan ko yung unan sa sobrang inis. Iniisip ko na siya si Charles kaya naman sa unan na ito ko nilalabas ang inis ko!

"Sinira mo ang fantasy ko!" Sabay sampal ko sa unan, saka ko iyon niyugyog. "Ilang years tayong nagkahiwalay at naghintay na magkasama ulit tapos sa isang iglap lang, iniwanan mo na ako!? Bakit, Charles? Bakit?!" 

Sumubsob ako sa kama at nagpagulong-gulong. Panira siya ng mood! Kanina lang ay masaya ako, samantalang ngayon, bumabaha ng luha ang hotel suite ko. ARGH!

Tumigil ako sa paggulong at napatitig sa kisame. Isang masamang titig ang ipinukol ko. "Hindi man lang sinabi kung bakit siya nakipagbreak sa akin. Hindi na ba niya ako mahal?" Hingang-malalim. "Ang sarap kaibiganin ng Reyna sa Snow White, tapos hihingi ako ng apple na may lason para maipakain ko sayo nang matigok ka na!"

Natigilan ako saglit. Huhuhu! Narealize kong ang sama ko na. I am supposedly a Princess not the villain. That's bad, Princess.

I pouted my lips and sighed deeply, "Goodluck sa akin dito sa Hong Kong. Kakayanin ko kahit wala ka, Charles," I said before I drifted to sleep.

***

Kinabukasan, nagising ako nang maramdaman ang walang hintong ingay na magmumula sa bedside drawer. Still groggy, I reached for my phone and checked on it.

"Mae, Mae, Mae... Puro galing kay Mae," sabi ko sa sarili ko nang macheck ang messages. Teka. "80 messages? Grabe naman!"

At hindi lang yun, ang dami niya pang missed calls. Ang yaman naman ata nun sa load. I was about to return her call when another incoming call appeared on the screen, so I swiped it and placed it on my ear.

"PRINCESS! Jusme, kanina pa kita kinocontact! Anong nangyari sayo??"

Napakurap ako ng mata nang bumungad sa eardrums ko ang nagpapanic na si Mae. "Mae, kagigising ko lang."

Actually, pakiramdam ko, ang bigat ng mga talukap ng mata ko. Namamaga kasi ang mga mata ko. Huhuhu! Ang hirap imulat.

"Bruha ka! Ilan beses ko ba kasing sinabi sayo na mag-iingat ka dyan. Ilang oras na kitang kinocontact!"

"Mae, kalma lang. Bakit ba?"

Mahabang katahimikan. Narinig ko nalang na humugot siya ng malalim na hininga sa kabilang linya sabay sabing; "Log in ka sa Facebook mo. May sinend akong youtube link sayo! i-click mo yun!"

There's something about her voice that made me panic too. So, bumangon ako at inilabas ang laptop ko mula sa suitcase ko. Nagmamadali ko yun binuksan at naglogin agad sa facebook ko.

I was mortified when I saw bunch of unread messages on my inbox pero yung kay Mae lang yung hinanap ko. Isang youtube link ang nakita ko.

So, clinick ko iyon at napunta sa certain video at sumunod nalang na nangyari ay...

"OH... MY.... AAAAHHH!!!" Ako ba 'to???!!

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon