[31] Mommy and Daddy

43.2K 1.8K 172
                                    

-Chapter 30- Mommy and Daddy

Princess' POV

Lakad lang kami ng lakad around the park. Hindi kasi makapili si Darren kung anong dapat niyang sakyan. Kunsabagay, masyado pang maliit si Darren para dun sa mga rides na nadadaanan namin.

"Where do you wanna ride, Darren?" tanong sa kanya ni Basti. Magkahawak kamay pa rin kaming tatlo. 

Haayyy... Hindi pa rin ako makapaniwalang tatay na pala si Basti. Jusme, batang ama pala siya. Well, hindi naman nakapagtataka. Yung mga ganyang pagmumukha, 'yan yung mga tipong madaling makabingwit ng chicks. Awtsubells.

"I don't know," sagot ni Darren tapos hinila niya ang kamay ko. "Mommy!"

"Mommy?" Tinawag niya akong mommy? Aba! So, batang ina naman ang peg ko?

Pasimpleng humilig sa akin si Basti at bumulong, "Sumakay ka nalang kay Darren, please."

"Ah eh, okay." Tumikhim ako at ngumiti ng kaswal kay Darren. "Darren, ilang taon ka na ba?"

"I'm 4!" sabay pakita niya ng four fingers niya.

Okay, bago pa kami magkakilala ni Basti, may anak na pala siya. Ay, este, 4 years old na siya, so dapat talaga pang-kiddie rides lang siya. Kung ano-anong naiisip ko!

"Wanna try the Adventures of Winnie The Pooh? Naku, maeenjoy mo dun for sure."

Ngumiti siya ng malawak at nagtatatalon. "Yay! Sige po, Mommy!"

Naloloka talaga ako sa pagtawag niya sa akin ng Mommy. Nacurious tuloy ako kung nasaan ba ang tunay na mommy niya, yung asawa ni Basti. Baka mamaya eh bigla nalang sumulpot yun dito at hilain ang buhok ko. Jusme, hindi dapat ako yung nandito eh.

Tumikhim ako habang palapit kami sa Winnie The Pooh Attraction. In fairness, ang haba ng pila ngayon. Well, as always naman.

"Bas--"

Tatanungin ko sana kung nasaan ang nanay ni Darren nang magsalita siya. "Maganda ba dyan?"

"Uh, oo."

Tapos nanahimik ulit siya hanggang sa makapasok kami sa loob. As always, masikip sa loob ng attraction though, super sulit naman. Maganda kasi yung attraction sa loob. Parang museum na nagnanarrate ng story ni Pooh.

Ang kaso, naramdaman ko na humigpit ang hawak sa kamay ko ni Darren. "Scary!" sabi niya.

"'Wag kang matakot, Darren. They are only mechanical. Hindi sila totoo," sabi ni Basti.

Along the pathway, nakita ko si Pooh na nag-eentertain ng mga bata kaya tinuro ko iyon kay Darren. "Look, si Winnie The Pooh oh. Tara, papicture tayo."

"Eeehh!" sabay hila ni Basti sa hem ng shirt ko. Hala, natatakot nga.

"Darren, hindi sila nangangagat," natatawang sabi ni Basti tapos hihilain niya sana si Darren papunta roon kaso tumakbo siya sa likod ko para magtago.

"I'm scared, Daddy!"

Nagkatinginan tuloy kami ni Basti, at ako yung unang nag-iwas ng tingin. Napansin kong napakamot si Basti sa batok niya saka siya bumuga sa hangin.

"Tara na. Lumabas nalang tayo. Natatakot si Darren."

Aba! Sumuko agad? 

"Wait lang," sabi ko sa kanya at hinarap si Darren. Lumuhod ako sa harapan niya para lumevel sa kanya. "Darren, hindi ka dapat matakot."

"Nakakatakot po eh," sabay pout niya pa.

Ngumiti ako saka ko ginulo ang buhok niya. Naaalala ko tuloy bigla ang mga pamangkin ko sa Pinas. "Trust me, Darren, harmless sila. Makikipaglaro sila sayo," malambing na sabi ko.

"They look scary."

"No, they're not. Cute kaya sila gaya mo," saka ko pinisil ang pisngi niya. "Promise, they won't cause you harm. Makikipaglaro pa sila sayo."

"Talaga po, Mommy?"

Ehem. Ayan na naman tayo sa Mommy na yan.

"Oo naman, Darren. Tara, sasamahan ka ni---" okay, pause ng 3 seconds para bumwelo, "--- mommy, okay?"

"Okay po!"

"Yiee, good boy!" Ginulo ko ulit ang buhok niya at nabigla ako ung yumakap siya sa leeg ko. Aba! Nagpapabuhat!

So, ayun, binuhat ko siya. Pagkaharap namin, nandun pa rin si Basti with that amused expression on his face. Nakangiti pa siya sa akin. Mas lalo tuloy gumwapo! Yay!

"Hindi ka na takot, Darren?" he asked.

"Hindi na po. Mommy's here eh," sabi ni Darren. 

Lumapit si Basti sa amin tapos kinuha niya sa akin si Darren. Ngayon, siya na ang may buhat sa kanya. "Nabibigatan sayo si Mommy. Si Daddy nalang ang magbubuhat sayo," sabi ni Basti ng may ngiti sa labi.

Hindi ko alam pero parang sumabog yata ang ovaries ko sa sinabi niya. #PigilanAngKilig #MayAsawaNaYanPrincess 

-

A/N: Kung kinikilig kayo kina Basti at Princess, pwes kinikilig naman ako sa mga comments niyo. Yay! ANg sarap sa feeling tuwing binabasa ko ang feedback niyo. Thank you!

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon