-Chapter 3- Princess in Hong Kong
Princess' POV
"Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land at the Hong Kong Tarmac airport. Welcome to Hong Kong. Local time is 1:22PM and temperature is 17°C..."
Hindi ko na masyadong pinansin yung anouncement ng flight attendant dahil... OMG! Nasa Hong Kong na talaga ako!! Ito na talaga 'to! Itong ito na! Kyaaaah!
"Kuya, nandito na tayo sa Hong Kong diba? Welcome to the both of us!" bibang sabi ko kay kuyang shy type habang pumapalakpak. Inalis ang seatbelt ko at tumayo na. Hindi na ako makapaghintay! Gusto ko nang langhapin ang hangin ng Hong Kong!
"Bye, Kuya! Nice meeting you!" sabi ko sa kanya saka ko siya nilagpasan. Buti nalang ay malapit lang yung pwesto ko sa door ng plane kaya mabilis akong nakalabas. Yung puso ko, grabe, dumudugdog sa sobrang saya!
Akala ko, paglabas ko ay akala ko yung view na agad ng Hong Kong ang makikita ko pero hindi pala dahil konektado yung plane papasok sa airport. So, ako naman itong tumakbo papasok. Nagsorry ako sa mga nababangga ko.
"Aw!" daing nung isa pang nabangga ko.
"Sorry!" sabi ko dun sa nabangga kong babae. Uwaah! Sorry, naeexcite lang naman ako.
Takbo dito, takbo dun. Basta, sinusundan ko lang yung mga taong nauuna sa akin. Napapangiti tuloy ako ng bonggang bongga kasi puro mga Chinito't Chinita na yung mga nakikita ko sa paligid ko. Ibig sabihin, wala na talaga ako sa Pilipinas!
Mas lalo akong natuwa nung makita yung mga signs at posts sa paligid. Natutuwa ako! Hindi ko na sila maintindihan. Chinese na ata yan. "Nasa Hong Kong na talaga ako," mesmerized na bulong ko sa sarili kaso... "Teka, nasaan na yung mga sinusundan ko?"
Grabe. Naliligaw na yata ako. Bakit ba kasi ang laki nitong Tarmac airport? Pinagpatuloy ko lang yung paglalakad ko. Medyo patakbo na rin. Nawawala na nga yata ako!
Buti nalang ay may nakita akong airport crew kaya nilapitan ko siya. Mukha naman siyang mabait kagaya ko, so hindi na ako nahiya. Mahiyain pa naman ako. "Excuse me, Miss."
Lumingon siya nang naka-smile. Chinita! Teka, English dapat dito. "Yes? What can I do for you?"
"I think... I'm lost? Do you know where I should go out here?" I smiled back.
"May I see your passport, Ma'am?"
Nilabas ko yung passport ko at inabot yun sa kanya. "Oh, your passport needs to be checked first, Ma'am. This way, please."
Ay, may ganun pa pala? So, ayun, sinundan ko siya. Napakafinesse niyang kumilos kumpara sa akin na ang jolly lang. "You know what, this is my first time in Hong Kong," sabi ko sa kanya habang naglalakad.
"Welcome to Hong Kong then. Enjoy your stay." Ang cute ng accent niya! Kasing cute ko! Yay!
"Thank you! I'll be going to Disneyland. I am so excited!"
Huminto kami dun sa harap ng counter. May mahabang pila kaya napapout ako. Akala ko pa naman tuloy-tuloy na yung paglanghap ng hangin ng Hong Kong. Pout.
"Please fall in line here, Ma'am. I'll go ahead. Please enjoy," sabi niya at umalis na.
Pumila naman ako habang hawak-hawak yung passport ko. Napapakagat nalang ako sa labi ko nang mapakinggan ko ang ingay sa paligid ko. Ching chong che chu chu! Hindi ko sila maintindihan! Ganun na kaya magsalita ang boyfriend ko? Yay, magpapaturo ako! Two years na rin naman siya dito sa Hong Kong so siguro marunong na siya.
"Hayyy," buntong-hininga ko. Akmang titingin sana ako sa wrist watch ko nang mapansin kong hindi ko pala ito suot. Ichecheck ko naman sana ang phone ko kaso pinatay ko pala kanina. Hindi pa naman naka-auto update yung clock nun.
Kaya naman kinalabit ko yung Lola sa harapan ko. "Excuse me." Lumingon siya at nginitian ako. Foreigner na naman! "May I ask what time is it now?" sabay turo ko sa wrist watch niya.
"It's 1:43PM."
Ngumiti ako pabalik. "Thank you, Ma'am. Will this counter take us too long to wait?"
Ngumiti lang siya ulit.
"Will it?" Hindi na naman siya kumibo. Nakasmile lang siya habang nakakunot noo. Okay, siguro silence means yes sa kanya.
"I'm excited to go out already. I wanna go straight to Hong Kong Disneyland! Kita naman po sa--- I mean, isn't it obvious that I love Disney Princesses, Ma'am?" energetic na sabi ko sabay pakita ko ng disney printed shirt ko saka ako nag-curtsy like a princess. "I've really wanted to go to Disneyland eversince. I've been in love with the Disney Princesses since I was ten years old. My favorite among them is Cinderella and Snow White and Princess Aurora. Okay, let me include Ariel, Mulan, Rapunzel and... basta lahat po sila. All of them! Isn't it cute?"
Hinihintay ko yung reply niya sa story-telling ko kaso...
"Huh?" yun lang ang sabi niya kaya napanganga ako. A lady appeared on her side and told me that she is deaf.
"Ay, hehe. Sorry," I mumbled and kept my mouth shut anyway. Bingi pala si Lola, sayang tuloy yung kwento ko.
Ganun pa man, naeexcite pa rin ako! Parang kanina lang, nasa Maynila pa lang ako. Wait for me, Hong Kong. I'll be part of your world. 'A whole new world, a new fantastic point of view!' ika nga ni Alladin.
3rd Person's POV
Basti drew a deep breath as his passport was finally checked on at the airport. He was carrying only an overnight bag for himself. The usual.
He was wearing his straight face as he passed by some random loud girl in the line. This isn't his first time in Hong Kong and in fact, he always went here anytime he wanted. Afteall, he's a rich young man.
He's rich and doesn't have any problems financially, but the question is... Is he happy?
--
A/N: Hindi ko na tuloy yung isa pang update kagabi :( So, mamaya nalang :D Use #TheMagicInYou sa twitter at IG to share your feedback (para mabasa ko rin ) :D

BINABASA MO ANG
The Magic In You [Completed]
ChickLitThis all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves