-Chapter 38- #HappiestNightEver
Princess' POV
Tama nga si Basti. Hindi pa tapos ang gabing ito. Pagkatapos naming kumain sa picnic style dun sa pavillion, namasyal kami sa Disneyland park. Our hands held together.
We ride the bumping cars together. Sobrang tawa niya kasi hindi ako marunong mag-drive. Dyahe nga eh. Naka-gown ako tapos nakikipagbanggaan ako ng kotse. Oh well, wala eh. Ang saya-saya ni Basti.
We even dropped by his hotel. 'Wag kayong green minded. Pinakita niya kasi sa akin na marunong siyang mag-piano. Naku. Gwapo na, mabait pa, sweet pa, at talented pa. #Fallharder
Sinulit namin ang gabi nang magkasama. Para kaming bumalik sa pagkabata. Ang saya nga eh, kasi nakainteract namin si Snow White along the way. Si Basti? Gosh, para siyang si Darren. Napaka-cute!
"Princess, sakay tayo sa carousel?"
"Sure!"
Pinagbigyan ko ang gusto ng mahal na prinsipe. Sumakay kami sa carousel kahit na puro bata ang mga kasama namin.
Sasampa pa lang sana ako sa isang kabayo nang alalayan ako ni Basti. Nag-init tuloy ang buong mukha ko.
"Thank you."
Ngumiti lang siya sa akin at nanatiling nakatayo sa gilid ko hanggang sa umandar na ang carousel.
"Basti, pumwesto ka na."
Umiling lang siya at tumawa ng mahina. "I'm going to just stay here still behind you."
Napatikom tuloy ako ng bibig at umiwas nalang ng tingin. Ganito ba talaga si Basti? Para siyang Prince Charming na nabuhay sa katauhan niya.
Habang umiikot ang carousel ay nilingon ko siya. Nabigla ako nang may hawak na siyang bouquet of pink roses. Saan galing 'yan?
"I hope you're having a great time with me," sabi niya at inabot sa akin yung bouquet.
Napanganga talaga ako. Bagsak ang panga plus humaba ang hair ko abot hanggang Tokyo Disneyland.
"'Wag mo nang tanungin kung kanino galing 'yan. I have my connection," sabay tawa niya ng mahina.
Napangiti tuloy ako. Though, kanina pa naman ako nakangiti. "Thank you, Basti. Sobrang saya ko."
He smiled sweetly. Our eyes locked together. This is the happiest day for me.
"... I like you, Princess."
... and perhaps, the sweetest night ever. #LikeNiBastiSiPrincess #KiligToTheBones #HappiestNightEver

BINABASA MO ANG
The Magic In You [Completed]
ChickLitThis all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves