[34] Song Writer

41.8K 1.5K 70
                                    

-Chapter 34- Song Writer

Princess' POV

We're on our way to my quarters. Ayoko ngang magpahatid kaso mapilit naman si Basti. Eto namang si Darren, parang walang kapaguran. Wide awake pa rin e. 

Ayaw ko sanang magpahatid kasi naiilang na talaga ako kay Basti. Kanina pa ako nagpipigil ng kilig e! Will you please leave me alone na? Gusto ko nang pasabugin ang feels ko!

"So, how's it being a chambermaid in the hotel? Hindi ka na ba nagkakamali gaya ng nangyari sa atin dati?" he randomly asked.

"Hindi na ako chambermaid sa hotel. Nagtatrabaho na ako bilang tour guide o usher sa Disneyland park."

Tumingin siya sa akin, amused look na naman. "Cool. Ayaw mo pa bang umuwi sa Pinas?"

"Gusto na, kaso kailangan pang kumayod dito e. Nahohomesick ako pero may ginagawa naman ako para marelease yung pagkamiss ko sa pamilya ko sa Pinas."

Tumigil kami saglit tapos binuhat niya si Darren. Mukhang inaantok na ang bata. Yumakap na nga sa leeg ni Basti habang karga-karga niya.

"Like skype, video chatting?"

"Oo," sabi ko at naglakad ulit kami. "Tapos, minsan, nagsusulat ako ng kanta. Para at least, mailabas ko yung nasa dibdib ko diba?"

"Oh, you compose songs?" Hindi makapaniwalang tanong siya sa akin. Wala palang bilib sa akin ang lalaking ito e! Tch.

Proud akong ngumiti sa kanya. "Oo naman of course! Gusto ko ngang maging singer e, kaso alam mo na, hindi masyadong pinalad sa boses kaya mas nagfocus nalang ako sa pagcompose ng kanta."

"Why don't you pursue it? Malay mo, makuha ka."

Napa-'weh?' nalang ako sa kanya. "Ano ka ba! Hindi ko nga rin alam kung magaling din akong magcompose ng kanta. Past time ko lang naman 'to."

Huminto siya at saka siya humarap sa akin. Napatingin ako kay Darren, mahimbing na ang tulog niya.

"Let me hear it then."

Say what?

"Ha? Naku, 'wag na! Nakakahiya!" Naalala ko tuloy yung nangyari noon. May karumal-dumal na naganap noong kinantahan ko siya. Ayoko na maulit yon!

"Let me hear your song."

"Basti--"

"Please?" pakiusap niya kaya nalukot na ang mukha ko. Waaaah! Ikaw ba naman ang tapatan ng ganyang kagwapong mukha, hindi ka ba mapapa-oo?

"Sige, pero 'wag kang tatawa ha? Baka kasi kumidlat dito sa Hong Kong."

Umiling lang siya habang nakatitig sa akin. Fine, hingang malalim sabay tikhim...

"My whole new world

With fantastic view

Change because of you

I'm in a fairytale

Like a magical world

That gives shine in my life

Cause there's a magic in you

Magic that keeps me dreaming

and dreaming hmmm... hmmm..."

Huminto ako, hinintay ko ang reaksyon niya. Ngumiti siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Pangit kaya? Yaaaah! Dapat hindi ko nalang tinuloy eh!

"Well..."

Enebe. Pa-suspense?

"... it's good. Your voice as well but---"

Pinutol ko ang sana'y sasabihin niya. Alam ko naman kasi eh, aminado ako.

"May kulang diba?"

Tumango siya pero nakangiti pa rin. "Parang may kulang."

I know, there's still missing in the song same goes with me... there's still missing in my life.

--

A/N: Credits sa OP ni Kaye Anne for the song. Galing! :D

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon