-Chapter 24- I Know You
Princess' POV
We. Almost. Kissed!
"Ehem," kunwaring tikhim ko at tinulak ang katawan niya palayo sa akin saka ako tumayo ng tuwid.
Awkward silence.
Umiwas siya ng tingin. Ako naman ay inayos ang damit ko maging ang braided hair. Aaaahh!!! Para sinisilab ang buong mukha ko sa sobrang kahihiyan!
"Princess--"
Bago pa man niya tapusin ang sasabihin niya ay sumingit na ako. "Basti, a...ano. Kailangan ko nang pumasok. G...oodnight!"
Saka ako tumakbo na papasok ng quarters.
Paulit-ulit na naglalaro yun sa isipan ko, ang nangyari kagabi. Muntikan nang lumapat ang mga labi namin sa isa't-isa!
"Clumsy mo talaga, Princess, kahit kailan. Lampa... Lampa... Lam---" napatigil ako sa pabulong-bulong ko at pagpukpok sa ulo ko nang marinig ko ang boses ni Manang Helen.
"Princess, ba't mo pinupukpok ang ulo mo?"
I smiled awkwardly to her. Actually, kanina pa ako ganito sa trabaho. Mababaliw na nga yata ako e. Nakakainis naman kasi yung nangyari kagabi. Ayos na sana e. Masaya na tapos biglang toinks!
"W-wala po, Manang. Medyo makirot lang po kasi ang ulo ko. Ipapahinga ko lang po ito pag-uwi natin sa quarters. Hehe," dahilan ko nalang.
Kasalakuyan naming hinihintay ang shuttle. Tapos na kasi ang shift ko. Gusto ko na rin naman umuwi since hindi rin ako nakatulog kagabi kakaisip sa nangyari kagabi! Grr.
"Kamusta pala yung lakad niyo ni Basti?"
Automatikong nag-init ang buong mukha ko sa tanong ni Manang Helen. Naalala ko na naman ang nangyari! Jusme! Stop it na. Huhuhu!
"A...ayos naman po."
"Magkwento ka naman."
Parang gusto kong tumakbo nalang palayo para lang makaiwas sa pagkwento kay Manang Helen. Eto na nga e, gusto ko nang burahin sa isip ko yung nangyari kagabi tapos magpapakwento pa si Manang.
"Manang, wala naman pong masyadong nangyari. Boring siyang kasama," palusot ko at timing pang dumating na yung shuttle. "Mauna na po ako, Manang Helen."
"Sige, magpahinga ka na."
Mamaya pang gabi ang off ni Manang Helen dahil siya ang head chambermaid sa hotel. Kaya naman iniwan ko na siya roon at akmang sasakay na sana sa shuttle nang...
"Princess!"
Napapikit ako at napakagat sa ibaba kong labi. Tell me, guys, tell me that I'm just bangag today! Na hindi ko narinig ang boses niya.
Huminga ako ng malalim at tinuloy na ang pagsakay ko nang marinig ko na naman ang boses na iyon.
"Princess!"
May kumalabit sa akin. "Princess, tawag ka nung lalaki oh."
Napasampal ako sa noo ko bago nilingon yung tinuturo niya. At tama nga, nakita ko si Basti na kumakaway sa akin at may hawak ng bouquet of pink roses???
"Magpaiwan ka na, Princess. Nakakahiya sa driver," sabi nung isa kong co-chambermaid.
"Ay, sorry. Sige, mauna na kayo," tugon ko at bumaba na sa shuttle service namin.
Nung makaalis na sila, nanatili lang akong nakatayo roon. Si Basti ang lumapit sa akin. Ewan ko ba pero namimilipit yata ako habang humahakbang siya palapit sa akin. Nakangiti pa siya.
"Hmm, for you," sabi niya saka niya inabot sa akin yung flowers. Emeghed! First time kong makatanggap ng flowers! Kahit ang ex ko ay never pa akong nabigyan nito! Well, sampaguita, oo? Pero yung ganito? Never!
"Uh... Eh... Thank you, pero para saan 'to? Hindi ka na sana nag-abala pa."
He smiled sweetly. "It's my way of thanking you for making my Disney stay this year less lonely."
"Ay, wala 'yon." Akala ko naman kung ano na! Akala ko aakyat na siya ng ligaw. De joke lang. Hehe
"I really had a lot fun with you yesterday." Huminto siya saglit saka niya ako pinakatitigan. "And honestly, I'd love to spend more time with you. Well, if you let me, would you?"
Natulala nalang ako sa sinabi niya. Speechless ako! Teka, gusto niya pa akong makasama? Date na ba ito? Kyaaah! Magsalita ka, Princess! Magsalita ka!
"Basti--"
"Hey!"
Fishtea! Napapikit nalang ako saglit sa inis nang may biglang sumulpot sa likuran ni Basti. Isang babae. At hindi lang simpleng babae!
What the?!
Nanlaki ang mga mata ko nang maglakad siya papalapit sa amin. Oh no! Stop right there!
"Hey," bati niya ulit sa akin. Oo, sa akin! Natataranta ako. Parang gusto ko nalang mag-abrakadabra at magdisappear na gayundin!
"How are you?" tanong niya.
Parang slow-mo na nilingon siya ni Basti and from that very moment, para akong bibitayin sa sobrang kaba ko.
"Hey, I know you," sabi ni Basti. Patay na! "Were you the girl who pretended to be my girlfriend last year, the reason why my real girlfriend and I broke up?!"
Holy potato!
BINABASA MO ANG
The Magic In You [Completed]
ChickLitThis all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves