[7] Playful Idea

59.8K 1.9K 123
                                    

-Chapter 7- Playful Idea

Princess' POV

Habang nakaupo ako dun sa bench, napansin ko na parang nagmamadali yung mga tao na pumunta sa kaliwang direksyon ko. Bukod pa dun, naririnig ko pa ang ingay mula roon.

Napatingin tuloy ako sa direksyong iyon nang nagtataka. Napapagod ba ako't medyo nagrerecharge pa ng narelease kong energy kanina sa pagsigaw-sigaw sa mga rides na nasubukan ko.

"Grabe, ang sakit sa lalamunan," nasabi ko nalang nang maramdaman ko na yung pananakit ng lalamunan ko.

Ayan na naman. Napapansin ko na naman ang ingay. Parang may mga drums, trumphets at kung ano-anong tugtog ang naririnig ko. Kakaiba iyon mula sa tunog na naririnig ko mula sa paligid ko. 

"Ano kayang meron dun?"

Tumayo ako para makiusyoso roon. Sinundan ko yung mga tao kung saan sila papunta. Hanggang sa mapadpad ako sa kumpulan ng tao.

"Oh my Princess!" nasambit ko nalang nang makita ko yung mga dumadaan na float. OMG! Ito yung Disneyland parade!!!!

Para tuloy na-recharge ako instantly. Bumalik yung hyperness ko! "Kyaaaa!!" sigaw ko nung matanaw ko na yung malaki at magarbong float ni Snow White. Isa lang ang pumasok sa isip ko, kailangan kong pumwesto sa harapan to take a closer view!!!

Kaya naman sumiksik ako at nakipagbanggaan sa mga tao hanggang sa mapunta ako sa harapan. Sakto! Palapit na ang float ni Snow White at ang seven dwarfs!

"Snow White!" Kumakaway-kaway siya sa mga tao kaya nakikaway na rin ako. Huhuhu! Para gusto kong umiyak. Sobrang saya ko!

Dumadaan naman ang float ni Cinderella at talagang na-starstruck ako nang makita siya sa malapitan! Parang dati lang, napapanuod ko lang sila sa DVD, tapos ngayon nasa harapan ko na sila!

Tuloy-tuloy lang yung parade kaya tuloy-tuloy din yung kilig overload ko. Panay ang pagkuha ko ng picture bawat dumadaan. Sobrang saya ko, pero siguro mas masaya kung may kasama ako.

Ngayon ko lang napansin na ako lang yata ang nag-iisa rito. Lahat ng tao ay may kasama. Nakaramdam tuloy ako ng 5% na lungkot.

"Nasaan na ba si Charles?" bulong ko sa sarili ko at napatingin nalang sa phone ko. Wala pa ring texts or calls mula sa kanya.

Habang dumadaan yung parade, nagsend ako ng text message sa kanya. Kanina pa ako nagpaparamdam sa kanya--- Wait, hindi. Kahapon ko pa siya kinocontact, pero hindi man lang siya nagpaparamdam.

To: My Prince Charming

Charles, wer na u? Dito na me sa HK Disneyland.

Hinintay ko siyang magreply habang pinapanuod ko yung parade, pero dumaan nalang ang ilang minuto ay wala pa rin.

Nagsimula na akong kabahan. Sa sobrang excitement ko, nabalewala ko yung fact na hindi pa nagpaparamdam sa akin si Charles kahit na nandito na ako sa Hong Kong. Dapat kanina niya pa ako nireplyan! Wala ba silang breaktime man lang para icheck ang phone niya? Dapat nga ay sinundo niya ako kanina sa airport.

Tinawagan ko naman siya habang nasa kalagitnaan ako ng parade. Napahinga ako ng maluwag nang mag-ring ang phone niya. Phew! Bukas na ang phone niya.

Pero... "Ay, bakit ayaw niyang sagutin?" Dial tone.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero ganun pa rin. Hindi niya pa rin sinasagot. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Baka naman may hinahanda siyang sorpresa para sa akin! I love surprises pa naman!

Kaya naman, habang wala pa si Charles ay inenjoy ko muna ang parade. Nakikikaway, nakikiselfie at nakikipagsayawan ako sa mga dancers na nagdadaan! Bakit ba? Minsan lang 'to e, sulitin na dapat!

Hanggang sa maramdaman ko ang malakas na pagvibrate ng phone ko sa kamay ko. Natataranta kong tinignan ang screen at tumalbog ang puso ko nang makita na galing ito kay Charles!

"At last!" sambit ko at nagmamadaling i-check ang message niya.

I tapped on the message.

Read it...

...slowly

Read it again...

Binasa ko ulit nang paulit-ulit yung sms. No, this is not true...

It can't be true!!!


From: My Prince Charming

Sorry, Princess. Hindi ako makakapunta. I'm breaking up with you. Delete my number, pls.

"Hindi... Hindi... Hindi 'to totoo," bulong ko sa sarili ko habang nakatulala sa cellphone ko. Maingay ang paligid pero parang sa puntong iyon, tila mag-isa nalang ako. "Joke lang 'to. Pinapower trip lang ako ni Charles," hingang malalim.

Sinubukan kong tawagan siya pero pinatayan niya ako ng tawag! Sa pangalawang pagkakataon, pinatayan niya naman ako ng phone!

"Charles, ano ba? 'Wag kang magbiro ng ganyan!" nagpapanic na sigaw ko sa phone kahit na alam kong hindi niya ako maririnig.

Nagsisimula nang magbagsakan ang mga luha ko. Pinipigilan ko ang sarili ko pero tuloy-tuloy na ang paghikbi ko.

"C-Charles..." I sobbed.

Napatingin ako sa mga dumadaan na float sa parada. Kung kani-kanina lang ay nakikisali ako sa kasayahan, ngayon naman ay daig ko pa ang feeling ni Prince Charming nang takbuhan siya ni Cinderella.

Sobrang sakit.


Basti's POV

I watched the parade nonchalantly. Nabawasan na yung excitement ko sa panunuod ng paradang ito. Every year kasi, simula nang pagkabata ko ay madalas na akong magpunta dito. Kung hindi kasama ni Yaya, minsan ako lang mag-isa.

But still, I am here now-- waiting for my parents to arrive. Umaasa pa rin ako na sana ay siputin nila ako. I don't care if I'm old eough to get accompanied by them, ang gusto ko lang ay tuparin nila yung promise nila sa akin mula pa nug bata pa ako.

With my arms folded across my chest, I watched the facade passed by. Nakakatuwang pagmasdan ang mga tao. Lalo na yung mga batang nagsasaya. I remember I was like them when it was my first time here, but I realized then when I saw the other kids with their parents. Nasabi ko sa sarili ko, 'Why wasn't I with my parents?'

Darn. Nabibitter na naman ako sa mga nakikita ko. Makaalis na nga dito.

Paalis na sana ako nang may mahagip ang paningin ko. The same girl I saw at the MTR awhile ago. Nasa kabilang side siya ng street kaya tinitigan ko siya para masigurado ako kung siya nga iyon at siya nga.

Wait, is she crying?

I can't help but to chuckle at the sight. Masaya ang lahat except sa kanya na umiiyak. Is she crying because she's too happy or... is she just plain crazy?

And a playful idea popped in my mind. I took out my phone and aimed the camera on her and then... tap!

"Insta video," I mumbled as I recorded a video of this weird girl who was crying, ironically, in the happiest place on earth.

I smirked playfully.


-

A/N: Try ko mag-update mamaya. :)

The Magic In You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon