-Chapter 26- Destiny
Princess' POV
Ipinaubaya ko nga sa tadhana ang kapalaran ko. Lumipas ang panahon, at kung sinuswerte nga naman, from chambermaid ay usher na ako ngayon!
It's been a year.
Nagtatrabaho na ako ngayon bilang usher o tour guide dito sa loob ng Disneyland para sa mga bata. Actually, tinulungan ako ni Manang Helen na pumasok dito dahil gaya nga ng sabi ko, ito ang pangarap ko.
Sobrang inenjoy ko ang trabaho kong ito. Ni hindi ko nga tinuturing na trabaho ito e, para lang kasi akong naglalaro.
Habang naghihintay sa grupo ng mga batang itu-tour ko ngayong araw ay nilapitan ko muna ang mga kababayan kong nagtatrabaho din dito sa park. Performers sila rito.
Pinanuod ko silang sumayaw habang ang mga tao ay aliw na aliw din sa kanila.
Sobrang saya ko dahil nakapagtrabaho rin ako rito. Pangarap ko 'to e, ang makapagtrabaho sa happiest place on earth! Marami na rin akong kaibigan dito pero may kulang pa sa akin.
That spark of magic... that light or maybe is it love?
Or is it the fulfillment of my dream of doing something for Disneyland?
I sighed as I pulled myself out of the crowd. Well, maybe both. May kulang pa nga sa akin, at kailangan ko yung tuklasin.
***
Pagkatapos ng shift ko sa pagtutoor guide ay binisita ko si Manang Helen sa hotel. Nakasanayan ko na rin na puntahan siya rito kahit hindi na ako sakop ng hotel. Namimiss ko rin kasi si Manang!
Kasalukuyan siyang nagbebreak time ngayon at dahil bisita ako, syempre pinakain niya ako. Yun talaga rin yung pinunta ko e. Free food. Hehe
"Kamusta ang trabaho ngayon?"
"Ayos naman po. Masaya."
"Princess..."
"Po?"
"Bakit hindi mo subukang mag-audition para maging singer sa park?"
At dahil dun ay nabilaukan ako. "Manang! Nagbibiro po ba kayo?"
"Hindi. Ba't naman ako magbibiro? Besides, malapit nang matapos ang kontrata mo sa pag-a-usher. Ba't hindi ka maghanap ng trabaho dito sa park para makapagstay ka pa rin dito sa HK?"
Napaisip ako. Ilang linggo na lang ay mag-eexpire na ang contract ko. Aish, may point si Manang Helen pero babagay ba akong maging singer? Ang alam ko kasi, into composing songs lang ako, pero yung pagkanta? Ewan ko.
"Papasa po kaya ako?"
Ngumiti lang si Manang sa akin sabay sabing, "May kakayahan ka at 'yon talaga ang gusto ng puso mo, diba? Kaya sigurado akong papasa ka."
"Kinakabahan po ako pero sige po. Susubukan ko," sagot ko.
"Kung susubok ka, aba't magmadali ka na. Magsisimula na ang audition mayamaya lang."
Hala, agad-agad?
-
A/N: Fast-forward again. :-P 'Wag niyo naman akong utusan na idedicate sa inyo yung chapter. Ano kasi e, random akong kumukuha sa mga nagcocomment (except dun sa mga nagcocomment ng 'padedicate po'). Mas masarap sa feeling yung hindi hiningi yung dedication. Mas masarap sa feeling yung surprise at hindi ineexpect. Kaya comment nalang kayo. Dun talaga ako kumukuha. :)

BINABASA MO ANG
The Magic In You [Completed]
ChickLitThis all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves