-Chapter 19- Manang Helen
Princess' POV
"Princess, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Manang Helen. Kasalukuyan kaming nasa labas ng hotel. Off na kasi namin sa work at hinihintay nalang namin ang service na maghahatid sa amin sa quarters, kung saan kami natutulog.
"Ayos naman po," tugon ko. Pero ang totoo, hindi ako okay! Bakit ba sa tuwing makikita ko 'yong si Basti ay minamalas ako? Lagi nalang! Grr!
"Eh bakit mukhang balisa ka dyan?"
Nilingon ko si Manang Helen. Halata ba talaga sa akin na badtrip ako? Actually, kanina pa talaga ako badtrip eh, simula nang makita ko si Basti!
Bumuntong-hininga ako saka ako sumandal sa hall at nag-cross arms. "Manang kasi e. May nagawa po akong kapalpakan kanina."
"Ha?"
"Hindi ko naman po alam na may tao dun sa suite na 'yon kaya pumasok ako. Bukas po kasi yung pinto. Kasalanan din nung nakakainis na guest a 'yon! Hindi po kasi sinara! Hmp!"
"Anong nangyari?"
"Ayun po, habang naglilinis ako, lumabas siya galing ng banyo."
Nanlaki ang mga mata ni Manang Helen kaya napakagat ako sa labi ko. Waaah! Ano ba yan. Naaalala ko na naman tuloy ang nasaksihan kong karumal-dumal na eksena.
"Anong ginawa ng guest? Nagalit ba? Princess, baka nireport ka no'n. Bakit kasi hindi ka nag-iingat?"
Ngumuso nalang ako at hindi na umimik pa. Galit talaga siya. Binablackmail ba naman ako e.
"Lalaki ba o babae?"
"Lalaki po," mahinang sagot ko. Yung lalaking sumira sa reputasyon ko two years ago!
"Anong nationality?"
Napangiwi ako at alanganing tumingin kay Manang Helen. "Pinoy po, Manang."
"Jusmio," sambit ni Manang at mukhang nawindang din. "Pinatawag ka ba ng hotel management, Princess?"
Umiling ako. May maganda pa rin naman nangyari kahit na minalas ako ngayong araw at iyon ay hindi na nagsumbong si Basti sa management.
"Hindi po, Manang. Ano lang, kailangan ko lang bumawi sa kanya. Gagawan ko lang po siya ng pabor para hindi niya raw ako i-report."
"Pabor? At ano naman 'yon?"
"Samahan ko raw po siyang mamasyal bukas sa Disneyland," saka ako bumuga sa hangin. "Kinakabahan po ako, Manang Helen. Kahit ayokong sumama sa kanya ay kailangan ko pa rin gawin. Natatakot po kasi akong baka i-report niya ako. Ayoko pong matanggal dito. Nagsisimula pa lang po ako sa pangarap ko e'!"
Bakas sa mukha ni Manang Helen ang pag-aalala kaya pinat niya ang braso ko. "'Wag kang sumama! Baka kung mapaano ka! Iba pa naman ang panahon ngayon."
"Naku, Manang. Ayoko pong maireport. Kailangan ko pong sumama sa kanya." Kahit na wala akong tiwala sa kanya!
"Edi papasamahan nalang kita."
Umiling ako ng mabilis. "'Wag na po. Ganito nalang, ipapakita ko nalang po ang picture niya sayo para kung hindi man ako makauwi bukas, alam niyo na kung sino ang ipapahuli niyo"-- Nilabas ko ang phone ko at ipinakita sa kanya ang IG ni Basti-- "Siya po si Basti Rivera. Tandaan niyo pa ang mukha ha?"
Saglit na tinitigan ni Manang Helen ang picture ni Basti, saka siya tumawa. Nagtaka tuloy ako.
"Eh ang gwapo naman pala, Princess. Baka isipin mong date 'yan ha? Nagpapasama lang naman siya sayo," sabi niya.
Naningkit tuloy ang mga mata ko. "Manang, alam ko naman po 'yon."
"Nagsasabi lang ng totoo," tugon pa niya. "At saka kung titignan namin natin ang mukha ng binatang 'yan, mukhang harmless naman. Baka nga siya pa ang dapat mag-aalala e. Baka ikaw ang may gawin sa kanya."
"Hala, Manang Helen. Hindi po ah."
Natawa nalang kaming dalawa. Honestly, may point naman siya. Hindi tungkol dun sa may gagawin akong masama sa kanya ha? May point siya na mukha namang harmless si Basti.
Pero kahit na! Walangya pa rin siya!
Napansin kong nanahimik bigla si Manang Helen. Her face turned serious. Magsasalita sana ako nang bigla siyang bumuntong-hininga.
"Bagay kayo."
Oh. Ano raw?
"Manang, ano ka ba naman po--"
"Alam mo ba--" Naputol ang sana'y sasabihin ko. "--naaalala ko sayo ang bunso ko. Dalaga na rin siya katulad mo."
Tinitigan ako ni Manang Helen at hinaplos ang buhok ko. Pati tuloy ako ay nakaramdam ng lungkot. Ramdam ko siya.
"Nainlove na rin kaya siya o kung may boyfriend na ba siya?" She sighed again. "Hindi ko alam. Sana kasama ko siya ngayon. Namimiss ko na ang Pinas."
Sinubukan kong ngumiti para pagaanin ang loob ni Manang Helen. Wala na rin naman akong nanay kaya gusto ko ring maranasan ang pagmamahal ng isang ina.
"Well, pwede niyo po akong ituring na anak habang nandito po tayo sa Hong Kong at kung may masamang gagawin sa akin si Basti bukas---"
She cut me off.
"Lagot siya sa akin," she said and we both laughed.
-
A/N: Balik twice a day ulit ang update tomorrow.
BINABASA MO ANG
The Magic In You [Completed]
Literatura FemininaThis all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves