-Chapter 48- The Feels
Princess' POV
'Will propose to her'
That caption though. Napapangiti nalang tuloy ako nang mag-isa. Hindi kaya sa akin siya magpropropose at lahat ng ito ay parte lang ng plano niya? I mean, kaya niya sinend ang video kay Mr. Fortich para if ever na matanggap ako which is nangyari na nga ay babalik ako dito at magpropropose na siya sa akin?
Jusme! Kinikilabutan ako sa kilig!! As in, nag-iinit tuloy ang buong mukha ko. Mas matindi pa sa excitement noong first time ko lang dito sa Disneyland ang feels ko ngayon.
I kennot!
"Mayamaya na ako pupunta. Magpapaka-bebe muna ako," bulong ko sa sarili ko habang nakaupo pa rin sa bench. Nag-powder muna ako sa mukha at nag-spray ng cologne sa damit ko.
Binasa ko ulit yung sms. Nakagat ko nalang ang lower lip ko dahil tumutugma na sa fantasy ko ang mga nangyayari sa buhay ko. Tama nga si Mae, si Basti na nga siguro ang Prince Charming ko.
Ilang saglit lang ay tumayo na ako at hinanap na Cinderella Carousel. Naalala ko tuloy yung mga oras na sumakay din kami dun ni Basti. Dun ko napansin na hindi lang extreme si Basti kundi may cute side din. #TheFeels
Buti nalang ay kabisado ko pa rin ang directions dito sa Disneyland Park kaya hindi na naging mahirap sa akin na hanapin ang Carousel.
Ang laki ng ngiti sa mga labi ko nang papalapit na ako sa Carousel. Kumakabog ang dibdib ko sa sobrang excitement. Finally, makikita ko na ulit siya!
Inikot ko ang paningin ko sa paligid pero...
... unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita siya.
Napalunok ako. Nanlamig ang dalawang palad ko. Yung puso ko na kanina ay kumakabog dahil sa tuwa ay nawala na rin.
Kitang-kita ng mga mata ko kung paano isinusuot ni Basti ang singsing na hawak niya sa daliri ng pamilyar na babae.
Hindi ko na tuloy napigilan ang mga luha ko na pumatak kaya tumakbo na ako palayo. Masakit. Mas masakit ito sa nangyari sa akin noon.
Sabi ko na nga ba e. Aasa-asa kasi ako. Oo nga, magpropropose siya... sa ex-girlfriend niya.
-
#TheMagicInYou
BINABASA MO ANG
The Magic In You [Completed]
ChickLitThis all about me and him.... and the magic. Collaboration with sarakasheee Wattpad Presents: April 13-17 on TV5 Book cover made by @minmaeloves