Prologue

552K 12.5K 5.1K
                                    

"Hey?" Bati ko sa pagkalagay ko pa lang ng cellphone sa tenga ko. It's almost midnight and I just got home from the cemetery, pagod na pagod pa ako kaya agad na akong humiga sa kama ko kahit na hindi pa ako nakakapagbihis at suot ko pa ang high heels kong puno ng putik.

"Ngayon ka pa nakauwi?" Napairap na lamang ako sa naging tanong ni Harper. Here goes the good girl again. Nahiya naman ang fab kong sungay sa amoy albatross niyang halo.

"Why did you call me Harper? Wanna preach again?" Sarkastiko kong tanong sa kanya habang unti-unting ipinipikit ang mga mata ko.

"I just heard from my Dad. Babalik na daw si Cielo." Tuwang-tuwa niyang balita sakin pero imbes na matuwa, agad akong nakaramdam ng inis.

Naririnig ko pa lang ang pangalan niya, nangangati na agad ang mga kamay kong sabunutan siya. Ano pa kaya ngayong narinig kong babalik na siya? Ugh. I'm gonna kill her.

"Dana? Are you still there?" Muling tanong ni Harper kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

"Cielo? Hmm.. Is that the witch who left me when I needed her the most? If that's her then I don't give a single bajeebees." Giit ko saka napatitig na lamang sa kisame.

"Come on Dana, kelan ba mawawala ang galit mo sa kanya?" Tanong pa ni Harper na para bang nanlulumo kaya natawa na lamang ako.

"Sweetie, you have no---" Natigil ako sa pagsasalita nang parang wala na akong naririnig sa kabilang linya. "Harper? Did you just hung up on me?" Paniniguro ko and silence answered my question. This witch.

Binitawan ko na lamang ang cellphone ko at unti-unting ipinikit ang mga mata ko.

Nararamdaman ko na ang pag-aagaw ng tulog at kamalayan ko nang may marinig akong kakaiba.

It's almost midnight. Tahimik na ang buong paligid at mga poste ng ilaw nalang nga ata ang natitirang maliwanag pero bakit ganito ang naririnig ko? 

"Tulong!"

Umalingawngaw ang isang napakalakas na tili. This time, I heard it loud and clear. And this time nararamdaman ko na ang matinding takot sa kung sino mang tumitili. Hindi ako sigurado pero parang galing ito sa kapitbahay.

Dali-dali akong tumayo mula sa kama ko at kinuha ang kulay pink kong kumot. Masyadong malamig sa labas eh. 

"Mom? Dad? Narinig niyo ba yon?" Natatakot akong lumabas pero nagtungo muna ako sa kwarto ng parents ko pero nagtaka ako nang mapansin kong nakabukas ang pinto at walang tao sa loob.

Asan sila?

Lumabas ba sila? 

Ba't di ko napansin?

"Mommy? Daddy?" Bumaba ako sa hagdan habang tinatalukbong ang kulay pink kong kumot sa ibabaw ng ulo ko. Masyadong madilim kaya nagdadahan-dahan ako sa pagbaba. Mahirap na.

Nagtaka ako nang mapansin kong nakabukas ang pinto sa living room. Walang nakabukas na ni isang ilaw pero sapat naman ang ilaw na nanggagaling sa cellphone ko para gumabay sakin.

"Anak?"

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang boses ni Mommy mula sa likod ko. 

"Mom, narinig mo ba yung sumigaw?" Bahagya akong lumingon sa kanya. Anino niya lang ang nakikita ko sa sobrang dilim.

"Matulog ka na anak." Aniya kaya tumango-tango na lamang ako.

"Pero yung sumigaw? May sumigaw eh?" Sinubukan ko paring mangatwiran.

"Hayaan mo na, matulog ka na anak." Aniya kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

"Okayness mommy. Pero kuha muna ako ng Milk. I'm parched." Giit ko na lamang saka nagdire-diretso sa kusina.

Hindi na ako nag-abalang buksan pa ang ilaw sa kusina. Sumisilip naman kasi ang buwan mula sa bintana kaya okay na and besides, liliwanag rin 'to pag bubuksan ko na ang ref.

"Anak matulog ka na." Bigla kong narinig ang boses ni Daddy. Lumingon ako at nakita ko silang magkasama ni Mommy. Sinundan pala nila ako.

"Sandali lang naman po." Biro ko saka ko binuksan ang ref.

Parang huminto ang mundo ko sa sobrang takot nang makita ko ang laman ng ref. Nabitawan ko ang hawak kong baso at para akong nanigas sa kinatatayuan.

Si Daddy. Nasa loob ng ref. Duguan at nakatirik pa ang mga mata. Bali-bali ang mga buto na para bang sapilitang pinagsiksikan sa loob. May napakalaking sugat ang kanyang dibdib na para bang may dinukot mula dito.

"D-daddy?" Hindi ako makahinga. Panay lang ang pag-agos ng luha ko.

Kung ito si Daddy... Sino ang nasa likod ko?

Bigla kong naramdaman ang isang napakalamig na kamay na humawak sa balikat ko at wala na akong magawa kundi mapatili.

----end of prologue

Note : This story is way different than my other stories. This is not a whodunnit story. This is not connected to any of my stories. No cameo appearances also. So uhm yeah, i'm stepping out of my comfort zone. lol. I know this is super lame but I do hope you guys will enjoy this.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon