DISPAREO 3 : Prologue

88K 4.2K 1K
                                    


DISPAREO 3

PROLOGUE

THIRD PERSON'S POV


Apoy. Walang ibang nakikita ang binatang si Wacky kundi nagngangalit na apoy na nakapaligid sa kanya. Gustuhin man niya itong takasan ay wala na siyang magagawa pa lalo na't naaninag niya ang tila ba walang hanggang kadiliman sa labas nito.


Litong-lito, gustong suungin ni Wacky ang apoy ngunit sa bawat paglapit niya'y mas lalo pa itong tumitindi at nagtitipon-tipon na animo'y pinipigilan siyang makalabas. Sa pagod, ngunguto-ngutong bumagsak napaupo si Wacky at napatitig sa kawalan.


"Patayin niyo nalang ako!" Dala ng labis na kalituhan at kawalan ng pag-asa, punong-puno ng galit na napasigaw si Wacky kasabay ng mumunting pagpatak ng luha mula sa kanyang mga matang ngayo'y wala ng kabuhay-buhay.


Kasabay ng isang malakas at biglaang pag-iihip ng animo'y isang kumpas na hangin, bigla na lamang naglaho ang apoy na nakapaligid kay Wacky. Sa gulat, agad na napatayo ang binata at nilibot ang paningin sa paligid.


Muli, wala siyang ibang nakikita kundi kadilimang animo'y walang hanggan. Nilibot niya ng nilibot ang paningin hanggang sa isang iglap ay maagaw ang atensyon niya ng isang pader sa gitna ng kawalan. Kitang-kita niya ang pader na kulay pula kaya naman agad siyang nagtungo sa direksyon nito.


Sa bawat paghakbang ni Wacky papalapit sa pader ay unti-unti niyang naaninag ang isang babaeng nakaupo lamang sa sahig, umiiyak at animo'y takot na takot. Habang tumatagal ay lalo pang lumalakas ang pag-iyak nito dahilan para mapatakbo na si Wacky, malapitan lamang siya.


"Dana!" Paulit-ulit na sigaw ni Wacky hanggang sa laking gulat niya nang mapansing bigla na lamang naging malayo ulit ang dalaga mula sa kanya. Sa kabila ng bilis ng pagtakbo ay animo'y palayo lamang ng palayo si Dana mula sa kanya. Sa kabila ng lahat, pilit paring tumatakbo si Wacky malapitan lamang si Dana.


"Anong—" Sa gulat, nahinto si Wacky at napako sa kinatatayuan. Gulong-gulo at hindi halos makapaniwala si Wacky nang makita ang kanyang sarili na naglalakad patungo sa umiiyak na si Dana.


"Hindi! Layuan mo siya! Layuan mo siya!" Muling nagtatakbo ang tarantang si Wacky. Walang pagsidlan ang kanyang takot at matinding pag-aalala, lalo pa itong tumindi nang bigla na lamang lumingon sa kanya ang nilalang na kamukhang-kamukha niya. May distansya man mula sa kinaroroonan niya, kitang-kita ni Wacky na ngumisi ito sa kanya na animo'y nagmamayabang.


"Dana!" Punong-puno ng panlulumo, walang ibang magawa si Wacky kundi mapasigaw nang makitang bigla na lamang lumitaw ang naglalagablab na apoy sa paligid ni Dana at sa nilalang na kamukha niya. Animo'y nilamon ng apoy ang dalawa pero sa kabila nito ay lalo lamang nagtatakbo si Wacky patungo sa direksyon nila.


Animo'y naulit ang nangyari, kasabay ng isang mabilis at animo'y malakas na kumpas ng hangin; bigla na lamang naglaho ang apoy at tumambad ang ngayo'y nakahandusay nang si Dana sa sahig at ngayo'y nag-iisa na lamang. Lalong nagtatakbo si Wacky hanggang sa tuluyan na niya itong nalapitan.


"Dana?! Dana gising!" Luhaan at labis ang pag-alala, dali-dali niya itong hiniga sa kanyang braso. Paulit-ulit na tinapik ni Wacky ang pisngi ni Dana, umaasang ano mang sandali ay magigising ito ngunit sa pagdaan ng mga sandaling animo'y wala nang hanggan, bigo si Wacky na gisingin si Dana.


"Cielo! Raze! Axel!" Habang hinahagkan si Dana, paulit-ulit na napapasigaw si Wacky sa kawalan, "Tulungan niyo kami! Cielo! Churchill! Churchill!!!!" Dala ng labis na pag-aalala, tila ba wala na sa sariling paulit-ulit na isinisigaw ni Wacky ang pangalan ng mga kaibigan sa pag-asang maririnig sila nito at matutulungan.



END OF PROLOGUE

Author's Note: Every author's note will be very important so please read one when there is one. In line with this note, I would just like to clarify that this prologue shows what exactly happened right after Dana made a deal. Hanggang dito lang muna ang kaya kong i-reveal, baby steps muna kumbaga haha but hints are everywhere for you guys to have the pleasure of piecing them together ;)

Ps, Welcome sa book 3! :) *Pinasabog si Pip*

Also, a simple reminder that this story is on-going so you'll need to have the patience to wait for updates especially because I have work and priorities in the real world. Respeto mi amigo :) Also, big thanks to everyone who's been patiently waiting since day one, u guys r the best :)

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT!

GODBLESS <3

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon