IV.
Left Behind
Cielo
Panay an sigawan namin habang nagtatakbuhan kami sa masikip at napakaruming imburnal hanggang sa may napansin akong kakaiba. May kulang. May boses akong hindi naririnig.
"Wait where's Shem?!" Tumigil si Pagtakbo si Dana dahilan para halos magkabangaan kami. Sila kasi ni Harper ang nasa unahan.
"Shem!" Napasigaw si Raze na mukhang labis na nanlumo nang mapagtantong hindi nga namin kasama si Shem.
"Let's go back for him!" Giit ni Dana at sinubukang tumakbo pabalik pero agad ko siyang hinarang.
"Do you have a death wish?!" Sarkastiko kong bulyaw sa kanya.
Pinanlisikan niya ako ng mga mata, all I could see was anger in her face, "Kung ikaw sanay sa trayduran at iwanan, pwes ako hindi! Hindi ako kagaya mo at hinding-hindi ako magiging isang makasariling gaya mo!" Bulyaw naman niya sakin dahilan para muli akong makaramdam ng kirot sa puso ko.
Akala ko narinig ko na ang mga pinakamasakit na salita three years ago. Meron pa pala. After three years, nakaramdam ulit ako ng sakit. Sabi ko wala na akong pake sa sasabihin ng iba pero pagdating kay Dana, may pake parin pala ako. Siguro kasi deep inside, umaasa akong may kaibigan akong babalikan dito sa Drayton kahit pa alam kong kinasusuklaman niya ako.
Hindi ko na magawang tingnan pa si Dana sa mga mata. Pakiramdam ko natitibag na ang mga pader na itinayo ko para maprotektahan ang sarili ko.
Napatingin na lamang ako kay Raze, "Don't stop running. Get them to safety. Try to leave some marks on the wall so we could still find each other. Keep them alive and stay alive." Bago pa man makapagsalita si Raze o ang kahit na sino man sa kanila, dali-dali akong nagtatakbo pabalik sa pinanggalingan namin upang balikan si Shem.
*****
Gulat na gulat ako sa nadatnan nang makabalik sa kaninang kinaroroonan namin.
Si Shem. Duguan at hindi na gumagalaw habang nakadapa sa sa sahig. Nasa likuran naman niya si Boris, hawak parin ang makapal na kadenang ginagamit bilang pansakal sa leeg ng walang kalaban-labang si Shem. Kahit hindi na gumagalaw, hindi parin niya ito tinitigilan, mistula pa siyang gigil na gigil rito habang mas hinihigpitan ang hawak sa magkabilang dulo ng kadena. Mukhang may balak pa ata siyang pugutan ito ng ulo gamit ang kadena.
BINABASA MO ANG
Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Horor"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila tao at hinding-hindi sila titigil hanggang sa mapatay nila tayong lahat!"