XII : The thing about protection

78.3K 3.5K 1.7K
                                    



CHAPTER XII

The thing about protection

Third Person's POV



Sa pagdilat ng dalawang mga mata, napasinghap si Dana kasabay ng pag-ahon ng kanyang namumutla at basang-basang mukha mula nagyeyelong tubig na nagsilbing himlayan. Litong-lito man at nanginginig sa lamig, dali-daling gumapang ang wala sa sariling si Dana mula sa bathtub habang pilit na niyayakap ang sarili.


"Dana! Dana okay ka lang ba?! Dana naririnig mo ba ako?!"


Blanko man ang kanyang isipan dahil sa kalituhan at labis na lamig, agad itong nagbago nang marinig ng dalaga ang boses ng natatarantang si Wacky.


"Wacky!" Hindi pa man lubusang nababawi ang buong lakas at wisyo, agad na pumatak ang luha mula sa mga mata ni Dana nang mapagtantong boses ng binata ang naririnig. Labis mang nanginginig at halos madapa na sa pagmamadali, nang mapagtantong nanggagaling ang boses mula sa radyo ay dali-dali niya itong nilapitan.


Sa labis na magkahalong emosyon, walang nagawa si Dana kundi maupo sa malamig na sahig habang pilit na hinihigpitan ang hawak sa radyo. Gusto niyang magsalita ngunit mas pinangunguhan siya ng kanyang mga hikbi at labis na panginginig.


"Dana! Dana kalma lang! Huminga ka ng maayos!" Giit ni Wacky lalo pa't kitang-kita niya ang nangyayari kay Dana. Labis siyang nag-alala lalo na nang makitang nahihirapan na naman itong huminga dahil sa labis na pag-iyak.


"W-wacky!" Walang ibang magawa ang humahagulgol na si Dana kundi sa sambitin ang pangalan ni Wacky.


"Dana ano ba! Wala ako diyan para bigyan ka ng paper bag!" Sambit na lamang ni Wacky na sa sobrang taranta ay halos masabunutan na ang sarili.


"I-ikaw ba.." Hindi na natapos pa ni Dana ang kanyang sinasabi at paulit-ulit siyang napahikbi habang pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay at labi.


"Ako 'to! Pangako, akong-ako 'to! Huminga ka ng malalim! Gayahin mo'ko!" Sigaw ni Wacky at sadyang nilakasan ang malalim na paghinga upang marinig siya ni Dana. Paulit-ulit na huminga ng malalim si Wacky hanggang sa tuluyang gumaya sa kanya si Dana, nanginginig man dahil sa labis paring lamig na nararamdaman, pilit na sumasabay si Dana sa paghinga ni Wacky. Paulit-ulit nila itong ginawa hanggang sa tuluyang tumawa si Dana kahit pa umaagos parin ang luha mula sa mga mata.


"Sh-shit kang idiot ka.." Mahinang sambit ni Dana at gamit ang nanginginig paring mga kamay, pinunasan niya ang kanyang luha na para bang isang bata.


"Shit na nga idiot pa..." Natatawang sambit ni Wacky mula sa kabilang linya dahilan para tumawa rin pabalik si Dana kahit pa kasabay nito ang pag-agos muli ng luha mula sa kanyang mga mata.


"I.. I can talk to you, that means you're okay right? Asan ka? Wacky asan ka? " Aligagang tanong ni Dana habang mariiin ang pagkakatitig sa hawak na radyo.


"Sa lugar na wala ka." Pabirong sambit ni Wacky at nakuha pang humalakhak dahilan para agad na mapabusangot si Dana. Ang hindi niya alam, sa kabila ng pagbibiro, bakas parin ang lungkot sa mukha ni Wacky.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon