II : Weakling

114K 4.4K 1.3K
                                    


CHAPTER II:

WEAKLING

DANA'S POV


Huminga ako ng malalim at unti-unting idinilat ang mga mata ko. Habang nakalebel ang dalawa kong nakakuyom na kamao sa mukha ay hindi na ako nagpaligoy-ligo'y pa't sinipa si Sonya. Gusto kong tamaan ang tagiliran niya ngunit laking gulat ko nang bigla niyang mahawakan ang paa ko't mahila ito dahilan para bumagsak ako sa malambot na sahig.


"Bwisit!" Idinaan ko sa napakalakas na sigaw ang labis na inis at sakit.


"What a cheap move little girl. Is that what I taught you?" Sambit ni Sonya na may ngisi sa kanyang labi na mas lalo ko pang ikinainis. I don't hate Sonya, I actually admire her. She's almost in her thirties, tough, pretty and not a woman to be messed with.


Natanggal ang tali sa mahaba kong buhok kaya naman gulong-gulo ito nang tumakip sa mukha ko. Isinandal ko ang palad sa sahig at sinubukang tumayo ngunit laking gulat ko nang bigla na lamang niyang inapakan ang kaliwang kamay ko.... and the worst part, sobrang kapal at bigat ng suot niyang sapatos.


"Ouch! Get-off me! Get-off me! Time-out!" Sumigaw ako ng sumigaw dahil sa labis na sakit pero imbes na pakawalan ito ay lalo lamang niya itong inapakan na para bang handa siyang durugin ang bawat buto ng daliri ko.


"Ang hina mo talaga Dana! Ang hina-hina mo!" Sigaw niya habang pinagtatawanan ako. Dali-dali akong umiling, gustuhin ko mang mag-protesta, gustuhin ko mang mangatwirang malakas ako ay hindi ko na magawa lalo na't muling bumalik sa isipan ko ang mga nangyari noon—Ang pagtakbo namin ni Harper palayo habang binalikan nina Raze si Shem na naiwan kasama si Boris sa imburnal, ang pagtatanggol sa amin ni Axel, ang walang tigil kong pagtakbo, ang pagtatago ko sa ilalim ng puno, ang pagpapaiwan ni Shem kasama si Boris para lang mailigtas ako at higit sa lahat, ang pagbitaw ko sa kamay ni Cielo—Who am I kidding? All I did was cry, run, hide and bitch around... I'm weak and that's the truth.


"I'm weak..." Bigla ko itong naibulalas kasabay ng pagpatak ng luha mula sa mga mata ko.


"You're weak and proud?" Panunuya pa ni Sonya at lalo pang inapakan ang paa ko.


"But not anymore!" Para bang nagsiklab ang galit na matagal ko nang kinikimkim sa kalooban ko. Hindi ko inakalang makakaya ko 'yon, pero gamit ang malaya kong kanang kamay ay nahawakan ko ang paa niya ng napakahigpit sabay hugot ng kaliwang kamay kong kasalukuyan niyang inaapakan.


Next thing I know, nakadapa na sa sahig si Sonya, nakadagan ako sa likod niya habang sinasakal siya sa pamamagitan ng pagpulupot braso ko sa leeg niya. Naririnig ko siyang umuungol sa labis na sakit at sumisinghap dahil sa hirap sa paghinga. Dumudugo ang kamay ko dahil sa pang-aapak ni Sonya at paghigit ko rito pero hindi ko ito iniinda, para ngang hindi ko nararamdaman ang sakit dahil sa sobrang panggigigil.


"Say it bitch! Say it! Say that I'm not weak!" Paulit-ulit akong sumisigaw habang mas hinihigpitan pa ang pananakal sa kanya. Nakikita kong hirap na hirap na siya at pulang-pula ang mukha ngunit sa kabila nito ay may ngisi parin siya sa kanyang mukha.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon