XVI: Home Invasion

132K 5.5K 3.1K
                                    


CHAPTER XVI:

Home Invasion

Third Person's POV

Dahan-dahang napatakip si Cielo sa kanyang bibig nang makita ang muling paggalaw ng doorknob, ngunit sa pagkakataong ito ay mas bumilis na. Hindi ito bumukas kaya kitang-kita ni Cielo ang paulit-ulit na pag-ikot nito, pabilis nang pabilis at palakas nang palakas ang pwersa na animo'y nagagalit na ang kung sino mang gustong pumasok at tumulak nito.

Sa isang iglap ay bigla na lamang umalingawngaw ang isang ungol na animo'y punong-puno ng galit at kasabay nito ang isang kalabog na gawa ng pagtama ng matigas na bagay sa pinto.

Ibinaba ni Cielo ng kanyang kamay at ikinuyom ang mga ito. Dala ng takot at kaba ay tila ba nanigas si Cielo sa kinatatayuan, nakatitig sa pinto habang nagsisimulang mangatog.

Habang tumatagal ay palakas nang palakas ang pagbayo sa pinto hanggang sa makita ni Cielo ang tuluyang pagkabasag ng maliit na bahagi nito.

Napasinghap si Cielo nang tuluyang mapagtanto na unti-unti nang nawawasak ang pinto. Tila bumalik ang dalaga sa katinuan at natatarantang inilibot ang kanyang paningin hanggang sa mapagdesisyunan gumapang na lamang at magtago sa ilalim ng kama.

Habang nakadapa at nagtatago ay kitang-kita ni Cielo ang lalong pagkawasak ng pinto. Wala siyang magawa kundi maidampi na lamang ang palad sa kanyang bibig upang 'wag makagawa ng kahit na anong ingay.

CIELO'S POV

Matapos kong masaksihan ang ginawa ni Lolo kay Mama tatlong taon na ang nakakaraan, akala ko iyon na ang pinaka nakakatakot na sandali ng buhay ko. Nangyari ba naman kasi ang lahat ng mga kinatatakutan ko, pero kung tutuusin higit pa sa kinatatakutan ko ang nangyari kasi ni minsan hindi ko inakalang masasadlak ako sa isang kanlungan para sa mga tinakasan ng katinuan.

Tatlong taon akong mag-isa habang nagdurusa. It was like I was a prisoner of my own mind... my thoughts... my memories. What my grandfather did to me and my mother kept playing on my head as if it was on this repeated fucked up cycle and I couldn't do anything about it. But what's worse is that I kept on seeing them... people who I haven't met and seen before. Shit, I don't even know who they are. All I know is that one of them looks a lot like Axel... The guy who I've always had dreamt of ever since I was a kid.

After all that I've been through, akala ko manhid na ako sa lahat ng sakit. Akala ko wala nang ibang makakapagbigay ng matinding takot sakin. Akala ko wala nang ibang mawawala sakin kaya mas pinili kong baguhin ang sarili ko... Mali ako.

I came back here thinking I have nothing to lose... that I have nothing anymore. Turns out I was wrong because truth is, I still have them; Dana, Raze, even my dad. I said I was prepared to die, I even begged Raze not to save me anymore but why am I scared to death now? Bakit ako takot na takot habang nakikita ang pagkawasak ng pinto?.... Maybe because I'm still scared to die after all... I'm scared to leave my loved ones behind.

"Dana..." Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong maluha nang maalala ko siya. Kung mayroong skunk na nagtatangkang pumasok dito sa kinaroroonan ko, paano na si Dana? Asan siya? Siya ba ang may gawa ng sigaw na narinig ko?

Takot na takot na takot na ako. Ayoko ng ganito. Ayoko ng ganitong wala akong kalaban-laban. Nagtatago lamang ako sa ilalim ng kama, nakadapa, nangangatog at parang isang hayop na takot na takot. Walang magawa, kundi pagmasdan ang pagkasira ng pinto.

Hindi nagtagal, nakita at narinig ko ang tuluyang pagkawasak ng pinto. Mula sa malaking butas nito ay nakita ko ang pares ng paang pumasok sa silid na kinaroroonan ko.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon