VIII: Dead Ringer

160K 6.1K 2.9K
                                    


AUTHOR'S NOTE:
Do not read this chapter if hindi mo pa binabasa ang "NEW" version ng chapter 7 na ipinost ko last week.

CHAPTER VIII:

"Dead Ringer"

CIELO


Umiyak. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak habang yakap ang tuhod ko at pinagkakasya ang sarili ko sa isang napakaliit at napakasakip na lugar na nagsisilbi kong proteksyon mula sa taong labis kong kinatatakutan—si Lolo.


Sariwa pa sa balat ko ang mga latay na gawa ng baston ni Lolo at nararamdaman ko parin ang labis na sakit sa katawan ko. Ngunit higit sa lahat, kumakabog parin ang dibdib ko dahil sa matinding takot. Takot dahil sa mga ginawa niya at takot sa mga magagawa pa niya ngayong hindi pa dumarating si Mama at Lola.


"Andiyan po siya sa ilalim ng puno! Nakita ko po siyang pumasok diyan!"


Agad akong napatakip sa bibig ko dahil sa matinding takot. Narinig ko ang boses ng isang batang babae at sigurado akong sinasabi na niya kay lolo kung nasaan ako. Labis ang panginigig ng mga kamay ko at nahihirapan na akong huminga kakaiyak kaya naman napapikit na lamang ako sa mga mata ko dahil sa matinding takot.


"Tama na! Tama na!" Tuluyan akong nagsisigaw at nagmakaawa nang maramandan ko ang malalaking mga kamay na humila sakin paalis sa butas na nasa ilalim lamang ng isang napakalaking puno na siyang nagsisilbi kong taguan sa tuwing naiiwan akong mag-isa kasama si lolo.


Pikit-mata akong nagpumiglas at umiyak ng umiyak nang biglang may kumarga sa akin. Takot na takot ako hanggang sa marinig ko ang boses ng isang lalakeng ngayon ko lang narinig.


"Shh.. Shh.. Huminahon ka, hindi kita sasaktan, ligtas ka na. Ligtas ka na..." Pauli-ulit nitong sambit kaya naman unti-unti kong idinilat ang luhaan kong mga mata.


Unang bumungad sakin ang isang batang babaeng nakatanaw sa direksyon ko. Pamilyar ang mukha niya sakin, minsan ko na siyang nakita sa school. Natatandaan ko siya dahil sa dami ng abubot sa buhok niya at dahil sa magara niyang pananamit kahit nasa playground lang.


Ipinasok ako ng lalake sa loob ng isang sasakyan at dahil dito ay nagawa kong makita ang mukha niya. Hindi ko kilala kung sino siya pero dahil sa suot niya, alam ko kung ano siya—isang pulis.


"Bata, nasaan ang mga magulang mo? Sino ang may gawa sayo nito?" Tanong ng pulis habang pinagmamasdan ang mga latay sa braso ko. Parang awang-awa sakin ang pulis kaya naman lalo akong naiyak.


"Saan ka nakatira? Ihahatid kita sa inyo." Muli niyang tanong dahilan para lalo akong mapaiyak. Agad akong umiling-iling, sa sobrang takot kong umuwi, agad akong napahawak ng mahigpit sa kanya habang umiiling.


"Hija, sabihin mo nga sakin. Sinong may gawa sa'yo nito?" Giit niya at tiningnan ako sa mga mata pero tanging iling lamang ang naging sagot ko. Dahil wala akong naibigay na sagot, nilingon niya ang batang babae na nasa likuran namin.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon