VI
Snooze
Cielo's POV
"Saan ka galing?"
Nang marinig ko ang boses ni Raze ay agad akong napalingon sa direksyon nila. Sa tono pa lang ng pananalita sino ang kausap niya, si Harper na kababalik lang sa silid.
"I just gathered some stuff." Mahinang sambit ni Harper na mahigpit ang hawak sa strap ng backpack na nakasukbit sa kanyang likuran.
"Titingnan ko—" Bago pa man mahawakan ni Raze ang backpack ay bigla na lamang napaatras si Harper at tinaasan ng kilay si Raze.
"I'm on your side." Giit ni Harper, she's dead serious and I don't know if she's been really good at lying but the look on her eyes, it's as if she's telling the truth. I'm not a truth detector or anything, I'm not good at reading actions either, but the years I've spent with having harper as a friend is enough for me to know that despite for her wrongful decisions, there is still goodness within her even if it's located deep within her callus.
"Edi ipakita mo sakin ang laman ng bag mo." Giit naman ni Raze.
Imbes na makinig sa pagtatalo nila, napatitig na lamang akong muli kay Shem na wala paring malay hanggang ngayon. Doctors said he'll be okay and we only have to wait for him to wake up pero siguro mapapalagay lang ako kung magigising siya.
Napatingin ako kay Axel na abala sa cellphone niya. Hiningi niya kanina yung number ni Mira para ibigay sa kapatid niya kaya ang kapatid niya siguro ang ka-text niya. Para siyang naiinis na ewan kaya naman bahagya kong sinundot ang balikat niya.
"What are you doing? Caps locking your sister to death?" Tanong ko pero napabuntong-hininga na lamang siya at napahawak ng mahigpit sa cellphone niya.
"Sinabihan ko siyang tanungin sina Mama sa exact address ng villa para kina Mira, ibibigay niya daw kay Mira. Tinanong ko siya kung nabigay na niya pero nag-reply siya sakin ng emoji na sobrang saya, iba-ibang emoji pero lahat masasaya. Pagkatapos nun hindi na siya nagre-reply o sumasagot ng tawag. Sinusubukan ko ring kontakin yung mga kaibigan kong malapit rin sa kanya pero hindi rin sila nagre-reply." Iritadong sambit ni Axel kaya nakunot ang noo ko.
"I've been kept in total isolation for three years; I know what emojis are pero may iba na ba 'tong meaning nito ngayon? Happy emoji's should nothing to be worried about right?" Naguguluhan kong tanong.
"Puro kalokohan at lakwatsa ang nasa isip ng kapatid kong 'to. Sa isip niya puro pag-eenjoy lang ang importante. Akala niya laging nakakatuwa ang pagiging makulit." Sa sobrang frustration, napakamot si Axel sa ulo niya, "Baka bigla 'tong sumama sa kanila, ilang buwan narin kasi niya akong kinukulit na magpunta doon lalo't laging busy ang mga magulang namin."
"Then tell your parents to keep an eye on her..." Suhestyon ko dahilan para bahagya siyang matawa.
BINABASA MO ANG
Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Terror"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila tao at hinding-hindi sila titigil hanggang sa mapatay nila tayong lahat!"