XXV : Villainous

81.2K 3.9K 2.8K
                                    


x NO TO SPOILERS x

XXV:

Villainous

DANA



Napasinghap ako nang maidilat ko ang mga mata ko't matagpuan ko ang sarili kong nakadapa sa sahig. Naninikip ang dibdib ko kaya naman paulit-ulita akong sumisinghap para makahinga. Gamit ang duguan at sugatan kong mga palad ay ginawa ko itong pundasyon lakas para makatayo.


"Churchill!" Napahagulgol ako nang makita ko ang paligid at mapagtanto kung nasaan ako—wala na ako sa ospital at ngayo'y nasa gitna ako ng tahimik na kalsada ngunit ang mas nakapagtataka ay ngayo'y nakabukas na ang ilaw mula sa mga poste dahilan para makita ko ang malaking fountain na malapit lamang sa kinatatayuan ko.


Hindi ko maintindihan, paano ako napunta dito? Anong nangyari? Nasaan si Church?


Hirap akong makatayo. Hilong-hilo ako at panay ang panginginig ng duguan kong mga kamay. Napakahapdi ng kaliwa kong mata at hindi ko ito maibuka ng maayos dahil sa dugong dumadaloy mula sa noo kong sugatan. Ramdam ko parin ang napakatinding sakit sa tagiliran ko gawa nang pagkakasaksak sakin ni Dondy ng napakatalim niyang kamay. Hinawakan ko ito at naramdaman kong may bumubulwak paring dugo mula rito. Gusto kong magsalita, gusto kong tawagin ang mga pangalan nila pero halos wala nang lumalabas na boses mula sakin, sobrang sakit ng leeg ko't alam kong ang pananakal ni Dondy ang dahilan nito.


Pasuray-suray ako sa paglalakad. Hindi ako makadiretso sa isang direksyon dahil sa sobrang hilo pero sa kabila nito ay nagagawa ko pang humakbang. Napakabigat ng pakiramdam ko pero sa kabila nito'y ramdam ko namang may sapat pa akong lakas para mabalikan si Church.


Maliban sa tagiliran, may nararamdaman rin kong matinding kirot at sa braso kong hanggang ngayon ay may mga bubog paring nakatusok.


Litong-lito man, pinilit kong magpatuloy. Kahit papaano ay natatandaan ko ang dinaanan namin patungo sa ospital at kumpara kanina, higit nang mas madali dahil sa mga ilaw na mga posteng ngayo'y nakasindi na.


Marami akong tanong... Napakarami...


How did Dondy end up in the hospital? Sinundan na naman ba kami nila Jury? At yung nangyari kay Raze? Pareho rin ba 'yon sa nangyari sakin? Bigla nalang naglaho si Raze nang magkasama kami tapos ngayon bigla naman akong napunta sa ibang lugar.... What if, just what if, something is keeping us apart? What if there's something here that wants us to split apart?


Makaraan ang ilang sandali ay natagpuan ko ang sarili kong patungo sa isang maliit na kalyeng punong-puno ng mga bangkay. Kahit may layo pa ako mula dito ay natatanaw ko na sila dahil sa mga poste ng ilaw at naaamoy ko na ang nakakasulasok na amoy dahil sa mga naagnas nang bangkay. Nakakapanlumo pero ano pa bang magagawa ko? Wala nang magbabago kung iiyak ako dito. Walang magbabago kung sa ibang kalye ako dadaan.


Huminga na lamang ako ng malalim at kinuyom na lamang ang kamao ko at nagpatuloy sa paglalakad. Habang tumatagal, lalo akong nagiging malapit sa mga bangkay na nasa kalye, at habang tumatagal ay lalong mas nagiging malinaw ang mga nakikita ko. Mula sa mga sidewalk hanggang sa gitna ng kalsada, napakaraming mga bangkay na halos nagkakapatong-patong na. It's as if it became the dump site of bodies.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon