CHAPTER IX:
Beneath the seams
Cielo
"O-okay ka lang?" Nauutal na sambit ng lalake dahilan para tuluyang matapos ang tila ba walang hanggan at nakakailang naming titigan.
Biglang inapakan ng lalake ang likod ng matandang babaeng nakabulagta sa sahig. Gamit ang dalawang kamay, hinugot niya ang palakol sa pamamagitan ng hawakan nito ngunit laking gulat naming dalawa nang imbes na palakol lamang, kasama niyang nahugot ang ulo ng matandang babaeng nakakapit parin sa talim ng palakol. At ang masaklap, nagtalsikan pa sa amin ang dugo't-laman ng matanda.
Napasinghap ako ng paulit-ulit habang nakapikit. Sukang-suka ako dahil amoy na amoy at nalalasahan ko pa ang dugo na tumalsik sa mukha ko. Hindi nakakatulong na nakikita ko pa ang bangkay ng matanda na nakabulagta. Wala na ang itong ulo kaya naman kitang-kita ko ang natirang umbok ng buto sa leeg nito at tila ba isang gripo na umaagos ang dugo mula sa dating kinaroroonan ng ulo niya.
"S-sorry! Pasensya na hindi ko sinasadya!" Natatarantang sambit ng lalakeng at nang akma siyang lalapit sa akin ay dali-dali kong itinaas ang kamay ko at pinunasan ang mukha ko gamit nito.
"Just get your axe and let's go!" Giit ko na lamang dahilan para tumango siya sabay punas ng dugong nagtalsikan rin sa mukha niya. Sinubukan niyang iwinasiwas ang palakol niya ngunit sadyang ayaw matanggal ng ulo ng matanda. Ang malala, sa pagwasiwas niya sa palakol ay lalo pa tuloy nagtatalsikan sa amin ang dugo't laman ng matanda.
"You have got to be kidding me!" Napasigaw na lamang ako kaya dali-dali na naman siyang humingi ng tawad. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tuluyan ko nang naisuka ang mga kinain kong oreos kanina.
"Guys tara na! Andito na sila!" Bigla naming narinig ang sigawan nila Harper at Dana na kapwa natataranta. Nasa bungad na sila ng eskinita, kinakawayan kami na animo'y sinisensyasan kami na tumakbo na.
"Tara!" Sabi pa ng lalake at agad na hinigit ang braso ko kaya naman nang tumakbo siya ay napatakbo narin ako.
"Asan sila?!" Bulalas agad ni Dana nang makalapit kami sa kanila ni Harper. Ngunit hindi ko na nagawa pang sagutin ang tanong niya nang bigla na lamang sumigaw si Harper.
"Skunks!" Sa sigaw pa lang na iyon ni Harper ay nagsigawan at nagsipagtakbuhan na agad kami. Habang tumatakbo ay napalingon ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mahigit sampu sa kanila na humahabol sa amin. Nanlilisik ang mga mata, duguan at silang lahat, wala sa sarili.
"Lighter! Harper ang lighter!" Natatarantang sigaw ni Dana at nagtaka ako nang mapansin kong may bitbit siyang dalawang malilit na bote ng softdrink samantalang isang bote lang ang dala ni Harper. Hindi Lalo pa akong nagtaka nang mapansin kong may nakalagay na tela sa loob ng mga bote at imbes na softdrink ay tila ba tubig ang laman nito.
Biglang tumigil si Dana sa pagtakbo nang tuluyang maiabot ni Harper sa kanya ang lighter, maging kami ay napahinto rin.
BINABASA MO ANG
Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Horor"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila tao at hinding-hindi sila titigil hanggang sa mapatay nila tayong lahat!"