CHAPTER XV:
The Last Supper
Third Person's POV
Ilang sandaling nanatiling nakayakap si Dana sa matalik na kaibigang matagal nawalay sa kanya. Gustuhin man niyang magsalita at humingi ng kapatawaran, hindi niya magawa sa takot na baka lalo lamang manariwa sa isipan ni Cielo ang dahilan sa paglisan nito tatlong taon na ang nakakaraan.
Walang ibang magawa si Dana kundi maiyak na lamang habang nakabaon ang mukha sa balikat ni Cielo.
"You're such a crybaby." Mahinang sambit ni Cielo at unti-unting naglakad patungo sa direksyon ng napakalaki niyang aparador habang nasa likod niya parin ang kapit-tukong si Dana. Dahil hindi bumibitaw, hinayaan na lamang ni Cielo na sumunod si Dana na nakayakap parin sa kanya.
"And a horrible person." Umiiyak na sambit ni Dana sa pagitan ng kanyang hikbi.
"Nah, you're not horrible. You're just a Drama Queen." Pagmamang-maangan na lamang ni Cielo sa dahilan ng kinikilos ni Dana.
Binuksan ni Cielo ang aparador at nagulat siya nang makitang napakaayos na ng kanyang mga gamit. Mula sa mga damit, hanggang sa mga sapatos, pati mga gamit pang-eskwela. Kahit mga kahon niyang naglalaman ng personal na gamit tatlong taon na ang nakakaraan ay narito parin at nakaayos na para sa kanya. Nakita ni Cielo ang isang papel na nakadikit sa isa sa mga damit kaya agad niya itong kinuha.
Anak,
Narito parin ang lahat ng mga gamit mo. Wala akong pinagalaw o pinabago, pinalinis ko lang. Wala akong alam pagdating sa pagdadalaga kaya pagpasensyahan mo na si Papa kung hindi mo man nagustuhan ang mga bagong damit na pinalagay ko dito.
"Baliw..." Mahinang sambit ni Cielo at isinilid na lamang ang papel sa kanyang bulsa nang may ngiti sa kanyang labi.
"Sino? Ako?" Agad na napabitaw si Dana kay Cielo at napaangat sa kanyang mukhang pulang-pula na kaiiyak.
"Ang papa ko. Pero ikaw, baliw ka rin kaya tamaan na ang dapat tamaan." Walang emosyong sambit ni Cielo kaya napabusangot na lamang si Dana habang pinupunasan ang mukhang basang-basa na.
"He got me new clothes and stuff. Are you thinking what I'm thinking?" Muli, walang emosyong sambit ni Cielo na nakatitig lamang sa mga damit.
"I honestly don't know who you are anymore but I still love you to death." Sabi pa ni Dana dahilan para agad mapangiwi si Cielo.
"Dress-up Dana. We could play dress-up." Sabi na lamang ni Cielo.
Agad napa-thumbs up si Dana na ngayo'y ginagaya ang walang ekspresyong mukha ni Cielo.
"Idiot." Mahinang sambit ni Cielo.
BINABASA MO ANG
Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Horror"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila tao at hinding-hindi sila titigil hanggang sa mapatay nila tayong lahat!"