XVII: For the greater good

100K 4.5K 1.5K
                                    


CHAPTER XXVII

For the greater good

Third Person's POV



"Cielo... Cielo sigurado ka ba dito?..." Hindi mapakali si Dana habang tagaktak ang kanyang pawis at luha.


"Don't be scared," Nanginginig man at lumuluha dahil sa kaba, tinanggal ni Cielo ang kulay asul sa scarf at isinuot ito sa kaibigan, "We can do this okay? We can... We have to. I'll distract them while you get Wacky and Pip. Alam mo kung nasaan ang fuse box ng cathedral kaya mapapatay mo ang ilaw at makakagawa ako ng paraan para makatakas.


"B-but what if—"


"It will work, it has to... Magkita tayo sa Drayton Bridge." Giit pa ni Cielo.


"Cielo bakit doon? Cielo anong binabalak mo?" Naguguluhang sambit ni Dana.


"'Yon ang pinakamalapit na borderline. Ang sumpa ni Ama ang nakakapigil sa inyo na makalabas sa lungsod kaya maaring, baka sakali, pansamantalang mabali ang sumpa at makalabas kayo kung kasama ninyo ang dugo't laman niya. Alam kong suntok sa buwan itong ideya kong 'to, pero ito nalang ang ideya na hindi pa natin nasusubukan at ito nalang din ang pumapasok sa isipan ko."


Kinakabahan man, pinilit ni Cielo na magpakatatag para sa kaibigan. Pilinilit niyang ngumiti at niyakap ito ng mahigpit. Habang magkayakap ay kapwa sila huminga ng malalim na tila ba inihahanda ang mga sarili sa maaring mangyari.


****


Hawak ang walang iba kundi determinasyong matulungan ang mga kaibigan, pasimpleng pinasok ni Dana ang hardin ng isang bahay na konektado sa katedral. Madilim ang paligid at tanging ilaw lamang mula sa natitirang mga posteng nakasindi ang nagsisilbing gabay ni Dana kaya naman lalo pa niyang tinatalasan ang pakiramdam. Labis man ang pananakit ng mga sugat niya, sa kabila nito ay pilit na lamang niya itong binabalewala lalo pa't naalala niya ang mga kaibigang sinawing palad.


Huminga ng malalim si Dana at napatingin sa lupang inaapakan. Hindi niya mapigilang manlumo nang muling bumalik sa isipan niya ang unti-unting pagkawasak ng ulo ni Shem. Labis mang nasasaktan, mas pinili niyang dumukot na lamang ng lupa at ipinahid ito sa kanyang balat.


Sa isang iglap ay bigla na lamang umalingawngaw ang napakalakas na sigawan mula sa katedral bagay na lalo pang nagpatindi sa kaba at takot ni Dana. Nanlumo pa ang dalaga nang mabosesan niya sina Wacky.


"Pakawalan niyo ako! Putangina! Harper! Harper pakawalan mo ako dito!"


Hindi makapaniwala si Dana sa naririnig na tila ba nanggagaling sa isa sa mga silid ng bahay na nasa tabi lamang niya. Malabo man ang sigaw, nakilala niya agad ang boses ng kababata.


Dali-daling pinasok ni Dana ang bahay at sinundan ang pinanggagalingan ng boses ni Raze, lalo pa itong napadali dahil walang pinto ang nakakandado.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon