IX : A promise to keep

97.6K 3.6K 2K
                                    


IX

A promise to keep

Third Person's POV


Matapos mapindot ang sampung kumbenasyon ng mga numero, biglang umalingawngaw ang pagpitikan ng mga metal mula sa kabilang dulo ng pinto. Makalipas ang ilang sandali, napahawak si Axel sa pinto at walang kahirap-hirap na niya itong natulak at nabuksan.


Napalingon si Axel sa kanyang kasamahan at nakita niya ang labis na kalungkutan sa mga mukha nito lalo na kay Cielo na nakatitig lamang sa bangkay ni Dana na ngayo'y karga na ni Raze. Sa pangunguna ng binatang si Axel, tinungo nila ang itaas na bahagi ng tahanan kung saan ay ligtas sila mula sa kasamaang taglay ni Astaroth.


*****


Napakagat na lamang si Wena sa kanyang labi at mangiyak-ngiyak na napatitig sa sahig habang pinapangaralan ng nakatatatandang kapatid. Gusto niyang magsalita, gusto niyang mangatwiran, gusto niyang magbigay ng dahilan upang maibsan ang galit nito ngunit sa takot niya'y halos hindi na niya alam anong sasabihin lalo pa't minsan lang kung magalit sa kanya ang kapatid.


"Paano kung may nangyaring masama sayo?! Paano kung naging mas matindi pa yang tinamo mong sugat?!" Bulyaw pa ni Axel habang hinahalungkat ang maalikabok na medicine box na nakakabit sa dingding.


"S-sorry... Kuya sorry..." Umiiyak na sambit na lamang ni Wena.


"Yan ang hirap sayo eh! Ang linaw-linaw ng sinabi ko na wag kang sasama! Mahirap ba talagang intindihin yon?! Sa tingin mo ba talaga nakakatuwa yang pagiging makulit mo?! Tangina naman Wena!" Bulyaw pa ni Axel at marahas na sinara ang kahon nang matagpuan ang hinanap na mga kagamitan upang malunasan ang mga tinamong sugat ni Wena mula sa aksidente.


"A-axel ako na ang bahala kay Wena." Biglang pumasok si Pinky sa silid na kinaroroonan nila. Naglalakad man papalapit kay Axel upang kunin ang mga benda at betadine mula sa mga kamay nito, animo'y natatakot si Pinky kay Axel dahil hindi niya ito magawang tingnan sa mga mata, hindi gaya ng dati. Hindi nag-iisa si Pinky, kasunod niya namang pumasok ang ngunguto-ngutong si Gino na halata na ang pagod at lito sa mga pangyayari. Kapwa hindi komportable sina Pinky at Gino na pumagitna sa magkapatid lalo pa't ito ang unang pagkakataon na nakita nilang ganito katindi ang galit ni Axel.


"Pasensya na talaga kayo at dinamay kayo ni Wena dito. Pangako, ihahatid namin agad kayo—" Hindi na na natapos pa ni Axel ang sinasabi dahil kay Gino.


"Pre, kami ang nagkusang sumama kay Wena. At isa pa, ayoko rin sa bahay kasi lagi lang akong inuutusan doon, mas gusto ko dito." Pagbibiro na lamang ni Gino sabay pasimpleng akbay kay Pinky, dahilan para agad siyang sikuhin ng dalaga. Napatingin si Gino kay Wena na animo'y hinihintay itong matawa dahil sa paniniko sa kanya ni Pinky pero nanatili lamang na umiiyak si Wena.


Napabuntong-hininga na lamang si Gino at napatingin muli kay Axel, "Yung isang lalake na kasama mong dumating, yung may matinong mukha, sabi niya magsitulog nalang daw muna tayong lahat. Mamaya nadaw kayo magplano ng gagawin."


"So you mean hindi matino ang mukha nung boy na may yellow helmet? Wow ha nahiya ako sa mukha mo." Nakangiwing singit ni Pinky at muling siniko si Gino.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon