XI : Prove me

81K 3.6K 4.5K
                                    



Sorry natagalan :)


CHAPTER XI

PROVE ME

MIRA'S POV


Hawak-kamay kaming bumuo ng bilog sa gitna ng madilim sa silid, ang tanging liwanag namin ay nagmumula lamang sa isang maliit na kandilang nakasindi. Wena kept assuring us that we're safe, that we're protected by walls and floors but I guess after all the horrible things we've experienced, to fear and worry is inevitable no matter how much we trust her.


"Wacky... Wacky kailangan ka naming makausap." Paulit-ulit na sambit ni Churchill matapos mausal ni Wena ang dasal na ginagamit ng kanyang lolo sa pagtatawag ng mga kaluluwa.


"You have to mean it." Giit ko kay Churchill na siyang katabi ko, napansin ko kasing wala namang nangyayari.


"I mean it." Giit naman ni Churchill sakin.


"Okay! Is it just me or sobrang lamig na talaga dito?!" Tarantang sambit ni Pinky.


"Kalma lang tayo!" Sabi naman ni Gino.


Sa isang iglap, bigla naming naramdaman ang isang malakas na ihip ng hangin kahit pa wala namang bintana sa silid dahilan para umalingawngaw ang sigawan naming lahat, mabuti nalang at hindi nito naapula ang liwanag ng kandila. Nararamdaman ko ang mga tarantang galaw nila na para bang gusto na nilang bumitaw mula sa bilog pero pinipilit parin nilang manatili. Kahit ako, gusto ko ring manatiling kalmado pero sa pagkakataong 'to, takot parin at kaba ang nananaig sa sistema ko.


"Waldo Kimberly makinig ka saking tarantado ka! Makipag-usap ka sa amin!" Biglang umalingawngaw ang sigaw ni Churchill na punong-puno ng galit dahilan para matigil kaming lahat sa pagsisigawan.



"Churchill?"



Sa isang iglap, bigla naming narinig ang boses ng isang lalake. Kinilabutan ako sa narinig lalo pa't bakas sa boses ang labis na panghihina at paghihirap ng kung sino mang nagmamay-ari nito. Nanggagaling ang boses sa radyo kaya lahat kami ay otomatikong napatingin sa direksyon nito.


"Wacky?! Wacky ikaw ba yan?!" Bulalas ni Churchill sa direksyon ng radyo at awang-awa ako sa kanya nang makita ang tuluyang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya. The Churchill I know was always happy, he was always fooling around, always the one to lighten up the mood with his crazy antics and thoughtful words. But the Churchill I'm seeing know is suffering in so much pain... It hurts seeing him like this.


"Churchill?! Churchill si Dana?! Asan si Dana?!" Muli naming narinig ang boses mula sa radyo. I don't know if it really is Wacky, I've only met him once. But the way Churchill's reacting, I'm sure it's the voice that belongs to Wacky.


Sa isang iglap, bigla na lamang bumitaw si Churchill sa kamay ko at dali-dali niyang pinulot ang radyo. Nanginginig ang kanyang kamay dahil sa labis na taranta at bigat ng kalooban. Dahil bumitaw siya, bumitaw narin kami at pinanood siyang umasa sa katiting na chansang ito nga ang kababata niyang halos ituring niyang kapatid.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon