I : Aftermath

114K 4.6K 1.8K
                                    

Chapter 1 : Aftermath

Dana's POV



"Diana Flavier ano bang problema mo?!"


Napasinghap ako nang matagpuan ko ang sarili kong nakatayo parin sa diving board at nakatitig sa kulay asul na tubig ng indoor swimming pool dito sa campus. Lahat ng mga kaklase ko ay nag-uunahan na sa paglangoy samantalang ako, heto at parang tangang hindi makagalaw. Gusto kong gumalaw pero napakabigat ng pakiramdam ko. Sa sobrang bigat, para akong napaparalisa.


"I... I can't do it." Sabi ko na lamang saka tinanggal ang goggles at swimming cap ko. Bago pa man ako mapagalitan ay bumaba na lamang ako sa diving board upang kunin ang bath robe ko. Hindi pa ako nababasa ng tubig pero giniginaw na ako dahil dito sa suot naming one-piece swimsuit.


"I'm not feeling well ma'am." Bulalas ko agad sabay suot ng bath robe ko nang makita kong naglalakad na papalapit sakin ang PE instructor na parang inis na inis na.


"Ms. Flavier you've been saying that for a month. If you'll keep up with those lame excuses, I have no other choice but to fail you." Pagbabanta niya kaya ngumiti na lamang ako ng tipid at tumango-tango.


One month huh? One month na pala mula nang mangyari ang bangungot na 'yon. Shit naman, one month na ang lumipas Dana, pigilan mo yang luha mo. Hindi ka pwedeng maging mahina. May instructor pa sa harapan mo, 'wag kang maging maarte.


"Ms. Flavier are you crying?" Kunot-noo niyang sambit kaya agad akong napahawak sa pisngi ko at nagulat ako nang mapansing basa na pala ang pisngi ko.


"Courtesy of the flu. Pupunta nalang po ako ng clinic after ko magbihis." Pagsisinungaling ko na lamang para may rason na akong umalis. Pero nakakailang hakbang pa lang ako ay muling siyang nagsalita.


"Dana akala ko ba gusto mong mag-ensayo para makasali sa varsity team? Dana sa ginagawa mong 'to, parang binabalewala mo na rin ang pinaghirapan mo." Paalala niya dahilan para tuluyan akong matigil sa paglalakad.


Oo nga pala. Before that whole skunk situation happened, varsity swimming team was my ultimate target aside sa mag-trabaho doon sa forensics laboratory. And the reason why I wanted to be in the team so bad? Kasi gusto kong ipagmalaki kay Cielo na hindi ko siya kailangan para gumaling sa paglangoy.


Back when we were kids, nangako kami ni Cielo sa isa't-isa na sabay kaming matututong lumangoy. Parating busy ang mga magulang namin kaya minsan tumatakas kami ni Cielo at pumupunta kami sa beach para mag-practice. Kaso dahil nga pareho kaming walang alam, wala talaga kaming natutunan at wala kaming ibang ginawa kundi maglaro na lamang sa pinakamababaw na parte.


My disappointment became my motivation. When Cielo left, I practiced hard to be a good swimmer, to be the best.


Gumaling nga akong lumangoy pero wala naman akong nagawa nang gabing kayang-kaya kong mailigtas si Cielo. I could've followed her into that dark abyss. I could've jumped right after her but all I ever did was cry in that bridge.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon