( DISPAREO THEME ABOVE : FOLLOW YOU – BRING ME THE HORIZON )
DISPAREO 2
EPILOGUE
THIRD PERSON'S POV
"Cielo!"
Naiwang luhaan at nakatulala si Dana sa gilid ng tulay nang makita ang tuluyang pagbagsak ni Cielo sa tubig ng kawalan. Ang kanyang duguang kamay ay naiwan sa direksyon ng kaibigan na animo'y sa kabila ng lahat, gusto parin itong abutin.
Sumigaw at umiyak, ito na lamang ang nagawa ni Dana hanggang sa bigla na lamang may humigit sa kamay niya at marahas siyang pinaharap.
Kitang-kita ni Dana ang galit sa mga mata ni Primo ngunit ngayon ay wala nang takot na nararamdaman pa si Dana. Bilang paghahanda sa katapusang naghihintay sa kanya, ngumisi na lamang si Dana at unti-unting napapikit.
Gaya ng inaasahan, agad siyang nakaramdam ng isang matulis na bagay na tumagos at pumunit sa kanyang balat. Unti-unting idinilat ni Dana ang kanyang mga mata at nagbaba ng tingin sa kanyang sikmura, nakita niyang nakasaksak na sa kanya ang itak ni Primo.
"'Yan lang ba ang kaya mong gawin?" Nagsisimula mang manghina, nagawa paring ngumisi ni Dana kasabay ng pag-agos ng dugo mula sa kanyang bibig.
Walang ano-ano'y bigla na lamang pinihit ni Primo paikot ang itak na nakasaksak parin sa sikmura ni Dana dahilan para mas lalong dumami ang tugong dumadanak sa sahig. Unti-unti, sa sobrang hilo ay nagsimulang magpasuray-suray si Dana habang napapatras.
"W-wacky..." Hilong-hilo at napakalabo na ng paningin, pilit na hinanap ni Dana si Wacky ngunit bago pa man niya ito tuluyang mahanap ay bigla siyang sinakal ni Primo at isinandal sa gilid ng tulay. Buong lakas nitong naiangat sa ere ang halos lupaypay nang katawan ni Dana at tila ba isang kasangkapan itong inihagis sa tubig ng kawalan.
Kasabay nang pagbagsak ng katawan ni Dana sa napakalalim na ilog ang paghalo ng kanyang dugo sa tubig. Habang lumulubog sa kailaliman ng tubig, unti-unting nagawa ni Dana na maidilat ang kanyang mga mata at dito ay nakita niya ang walang buhay at lupaypay na katawan ni Cielo na nagpapadala na lamang sa galaw ng tubig. Gamit ang natitirang lakas, pilit na inabot ni Dana ang kamay ni Cielo at hinawakan ito sa huling pagkakataon bago tuluyang malagutan ng hininga.
****
Napasinghap si Dana at laking gulat nang matagpuan ang kanyang sarili na nakatayo sa gitna ng kawalan. Basang-basa man, imbes na lamig ay napakatinding init ang kanyang nararamdaman. Agad niyang pinagmasdan ang kanyang palad at laking gulat niya nang makitang wala na siyang sugat, mas lalo pa siyang nagulat nang makitang wala na ang saksak na tinamo mula kay Primo.
"Handa na ako Astaroth. Kaluluwa ko kapalit ng pagiging normal ulit ng lahat! Walang mga skunks, walang namatay, magbabalik ulit sa dati!"
BINABASA MO ANG
Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Horror"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila tao at hinding-hindi sila titigil hanggang sa mapatay nila tayong lahat!"