NO TO SPOILERS. THANKIES.
CHAPTER XXIV:
Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
Third Person's POV
Litong-lito at hilong-hilo, paulit-ulit na kinukurap-kurap ni Raze ang kanyang mga mata. Labis ang kirot na nararamdaman niya dahil sa sugat sa noo kaya naman huminga siya ng malalim bago dahan-dahang gumalaw.
"What the fuck?" Mahinang sambit ni Raze nang mapagtantong nakatali ang mga kamay at paa niya dahilan para hindi siya makagalaw. Nagpumiglas si Raze, paulit-ulit, hanggang sa tuluyan siyang mapasigaw dahil sa labis nag alit.
"Pakawalan niyo akong mga hayop kayo! Ano bang kailangan niyo sakin!" Napasigaw ang nagngi-ngitngit na si Raze habang nagpupumiglas. Hindi siya mapakali, natataranta siya dahil alam niyang sa bawat segundong hindi niya nakikita ang mga kaibigan ay maaring nasa bingit na ito ng kapahamakan o mas higit pa.
Mayat-mayang napapamura si Raze lalo pa't pumapalya ang lahat ng naiisip niyang paraan upang makatakas.
Hindi nagtagal ay tuluyang pumatak ang luha mula sa mga mata ni Raze at kasabay nito ang napakalakas niyang pagsigaw. Nagbalik sa isipan niya ang lahat; mula sa pagtanggap ng balitang pumanaw na ang ama, makita niya ang bangkay nito sa morgue, makita itong gumalaw, at malamang huli narin ang lahat para mailigtas niya ang ina at mga kapatid mula sa mga bayolenteng nilalang na sumakop sa lungsod nila.
Mula nang magsimula ang lahat ng kaguluhan, kinimkim ni Raze ang sama ng loob dahil sa nangyari sa kanyang pamilya. Ngayong nag-iisa na siya at wala nang kaibigang pinoprotektahan ay hindi na niya napigilan pa ang sariling panghinaan ng loob. Hindi na niya maitago pa ang labis na panlulumo dahil sa nangyari sa kanyang pamilya at mga kaibigan.
Nadagdagan pa lalo ang sama ng loob ni Raze nang maalala ang dating kasintahan na si Cielo; nakita niya itong hinahabol ng mga kalaban ngunit hindi man lamang niya ito natulungan.
Habang lumuluha ay nilibot ni Raze ang kanyang paningin at nagtaka siya nang mapansing nasa isa siyang kwarto. May kama sa kanyang likuran at tadtad ng mga litrato at newspaper clippings ang mga dingding.
"Anong—" Nakunot ang noo ni Raze nang mamukhaan kung sino ang nasa litrato.
Itinuon ni Raze ang paningin sa pintong nakasara. Dito ay nakita niya ang isang malaking litrato ngunit hindi niya mapunto kung sino ito dahil sa mga maliliit na patalim na nakatusok sa litrato na animo'y siyang pinagbubuntungan ng galit.
Sa isang iglap ay unti-unting gumalaw ang pinto hanggang sa tuluyan itong bumukas. Labis ang gulat na naramdaman ni Raze nang mapagtanto kung sino ito.
"H-harper...." Mahinang sambit ng naguguluhang si Raze nang makita si Harper dala ang isang maliit na bote ng tubig at tinapay.
BINABASA MO ANG
Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Horror"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila tao at hinding-hindi sila titigil hanggang sa mapatay nila tayong lahat!"