XXII: Promises we can't and can keep

108K 4.9K 2.5K
                                    


CHAPTER XXII:

Promises we can't and can keep

Dana


Dalawang taon na ang nakakaraan, isunugod ako sa ospital at napag-alamang may Dengue. Ilang araw rin akong nakaratay at hirap na hirap, pakiramdam ko nun mamamatay na ako. Lalo pang naging mahirap sa akin ang lahat kasi ni isang text o pangungumusta man lang ay wala akong natanggap mula kay Cielo na siyang naging kasangga ko sa lahat ng bagay.


Hindi ko nun naintindihan ang lahat, nagalit ako kasi para siyang isang bulang bila na lamang maglaho. And to think, the day before she disappeared ay nangako siyang kahit na anong mangyari ay magiging magkaibigan kami.


I wasn't really mad at her... Betrayed? I guess I could say that... But actually, it was more of disappointment... It felt as if wala akong kwenta. Pakiramdam ko, mama at papa ko nalang talaga ang nakakatagal sakin. I felt so bad about myself, I felt really worthless kaya nang bumalik si Cielo, pinilit kong ipakita sa kanyang nakaya kong wala siya sa tabi ko. I let my pride get the best of me until I realized how wrong I was.


Looking back now, I never should've said those awful things to her; I never should've doubted our friendship and I never should've doubted her... I wish I could take back all those horrible stuff I said about her... all those glare, all those sass, and for almost turning my back on our friendship. Hindi si Cielo ang sumira sa pagkakaibigan namin kundi ako, all this time ako ang may kasalanan at hindi ako ang biktima. Shit, ang kapal ng mukha ko para tratuhin siya ng ganun kahit ako naman talaga ang may ginawang mali.


Next to my parents, Cielo is the most important person in my life. With my parents gone, and now Cielo, I don't even know if I could still continue fighting for this life anymore.


"Dana, Dana malalampasan rin natin 'to." Namalayan ko si Wacky sa harapan ko. Hawak niya ang magkabila kong balikat at bahagyang iniyuyuko ang ulo niya upang maging magkapantay kami. Wala akong ibang nakikita sa mga mata niya kundi awa, matinding awa.


Gustohin ko mang magsalita at magpatuloy sa pagtakbo, hindi ko na magawa. Wala na akong lakas na tumakbo, parang ayaw na ngang gumalaw ng mga paa ko at higit sa lahat hindi na ako halos makahinga. Tila ba walang ibang gustong gawin ang mga mata ko kundi umiyak nang umiyak, walang ibang gustong gawin ang bibig ko kundi humikbi ng humikbi at kahit ang sarili kong katawan ay ayaw tila baa yaw naring mabuhay.


Mapagpanggap ako, oo aaminado ako rito. Nagpapanggap akong matatag, matapang at mataray upang maikubli ang matindi kong kahinaan at iyon ay ang sarili kong emosyon. Pero sa pagkakataong 'to, gustohin ko mang ikubli ang nararamdaman sa pamamagitan ng pagngiti o pagtataray ay hindi ko na magawa pa. Kung lungkot lang, matatago ko 'to pero hindi naman ako nalulungkot eh... Wasak? Oo.


At si Shem.... Pinrotektahan niya kami kahit kapalit pa nito ang buhay niya. Hindi maalis sa isipan ko ang takot sa mukha niya. Shit! Hindi maalis sa isipan ko ang takot sa mga mata niya habang unti-unti siyang namamatay! Kami, pinabayaan namin siya! At ako, kasalanan ko 'to... Kung sana hindi ako naging mahina, siguro hindi niya isasakripisyo ang sarili niya.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon