Started from the sewer and now we're here! Hahaha! Just wanna say thanks to everyone who's reading this baby right here, right now. I don't know how you'll react to this but trust me, this is the end game for realsss.
with love and floorwax,
Mariyuh Kyruh
DISPAREO:
EPILOGUE
Napasinghap si Dana kasabay sa pagdilat ng kanyang mga mata. Malabo man ang paningin, nagtaka siya nang mapansin ang liwanag na nakapaligid sa kanya, bagay na matagal na niyang hindi nasasaksihan. Naguguluhan man, otomatiko siyang napabalikwas paupo.
Tagaktak ang pawis at luha, labis na naguluhan si Dana nang mapagtantong wala na siya sa gitna ng tulay, bagkus ay nasa loob na siya ng kanyang silid at nakaupo sa napakalambot niyang kama habang yakap-yakap ang kulay pink niyang kumot.
Muling napasinghap si Dana at mariing pumikit. Makaraan ang ilang sandali ay muli niyang idinilat ang mga mata ngunit walang nagbago sa kanyang nakikita at kinaroroonan. Pinagmasdan niya ang kanyang mga braso at paa ngunit ni isang sugat ay wala siyang natagpuan.
Sa isang iglap ay biglang rumagasa sa isipan ni Dana ang lahat; Ang bangkay ng ama niya sa loob ng pridyider, Ang pagbabago at tangkang pagpatay sa kanya ng mga magulang, ang pagtulong sa kanya ni Shem mula sa kanyang mga magulang, ang pagtutulungan nila nina Raze, Shem, Harper at Mira, ang muli nilang pagtatago ni Cielo at masasakit na salitang binitawan niya rito, ang unang pagkakakilala kay Axel, ang pagkakahanap nila kay Wacky at Church, ang pagtutulungan nilang lahat na protektahan ang isa't-isa, ang masaklap na kinahantungan ni Shem, at ang pagkalaglag ni Cielo mula sa tulay patungo sa tubig ng kawalan.
"Anak! Bumangon ka na diyan! Male-late ka na!"
Biglang narinig ni Dana ang boses ng kanyang ina mula sa labas ng kanyang silid bagay na lalong nagpabilis ng tibok ng puso niya't, at naging dahilan ng lalong pagragasa ng luha niya. Dahil sa labis na pangungulila, dali-dali siyang lumabas mula sa silid.
"Mama!" Napahagulgol si Dana at napayakap ng mahigpit sa kanyang ina. Iyak siya ng iyak, ni minsan ay hindi niya inakalang magkakaroon ulit siya ng pagkakataong makita at mahagkan ito ulit.
"Bakit? May problema ba?" Naguguluhang sambit ng kanyang inang gulat na gulat dahil sa kanyang inasal.
"I love you! Sorry sa lahat ng mga nagawa ko, sorry kung naging sutil ako! Ma, I love you, please 'wag niyo akong iwan ulit." Paulit-ulit na sambit ng dalaga sa pagitan ng kanyang mga hikbi at lalo pang mas hinigpitan ang pagyakap rito.
"Anak, anak anong nangyari? Nilalagnat ka ba?" Natutuwa man sa sinasabi ng nag-iisang anak, hindi parin nito mapigilang mag-alala kaya naman idinampi ng ginang ang kanyang palad sa noo ni Dana.
BINABASA MO ANG
Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Terror"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila tao at hinding-hindi sila titigil hanggang sa mapatay nila tayong lahat!"