CHAPTER XVIII:
778
CIELO
Dali-dali kong tinanggal ang scarf mula sa leeg ko at inilapat ito sa nagdurugong sugat ni Harper, maya't-mayang napapasirit ang dugo kaya naman hindi ko mapigilang mataranta. Malapit sa kanyang collar bone ang kagat, malalim ang sugat at marahas ang punit sa balat.
"I-I'm okay..." Lumuluha man at namimilipit sa sakit, pinilit ni Harper na tumayo kaya naman dali-dali namin siyang inalalayan ni Axel.
I applied pressure to Harper's wound by tightly tying my scarf around it. I can feel Harper's pain just by looking at her but despite of it, Harper kept her head up and tried to act like it didn't bother her, like she could still do anything without a problem.
"Teka sandali!" Bulalas ni Axel at dali-daling pinulot ang baril na nabitawan ni Raze nang bigla siyang maglaho. Raze was so scared of the dogs that he didn't even thought about using his gun.
"I deserve this, you're probably happy now." Mahinang sambit ni Harper nang pilit ko siyang inaalalayan sa pamamagitan ng pag-akay sa balikat niya. Imbes na sumagot, hinawakan ko na lamang ng mahigpit ang bewang niya nang sa gayon ay mas magiging madali ang pag-alalay ko sa kanya.
"Raze was afraid of Dogs! They disappeared when he did! What are you guys afraid of?!" Bulalas ko na lamang.
"Malalaking gagamba?" Naguguluhang sambit ni Axel at agad ring tumulong sa pag-alalay ni Harper.
"Wow, you just made this place a whole lot worse." Pahayag ni Harper sa sinabi ni Axel.
"Ano ba sayo?" Tanong ko na lamang kay Harper pero matagal bago siya sumagot. Para bang napako ang paningin niya sa likuran ko kaya naman agad akong napalingon.
"That." Biglang sagot ni Harper at napasinghap na lamang ako nang makita ang isang pamilyar na nilalang—Si Mang Boris—Skunk version ni Mang Boris. Malaki ang pangangatawan, marungis, tadtad ng mga sugat, at gaya ng nakaraan ay mukhang uhaw sa pagdanak ng dugo.
"I know he's my fault but he scared the shit out of me when he chased us down the sewers. How Ironic right? I caused him to be like that pero ako 'tong takot din sa kanya." Natatawang sambit ni Harper kaya nagkatinginan na lamang kami ni Axel.
Ibinalik ko ang tingin kay Mang Boris. Nagsimula siyang humakbang kaya nagsimula narin kaming mapaatras ni Axel pero sa Harper ay napako lamang sa kanyang kinatatayuan habang nakangiti. Has this girl lost her mind? Naapektohan na ba ng rabis ang utak niya?
"Kuya!!!"
Mas lalo pa kaming nagulat nang bigla na lamang umalingawngaw ang isang napakalakas na tili na tila ba nangangaling sa isa sa mga gusaling nakapalibot sa amin.
"Wena?!" Biglang sigaw ni Axel at sa puntong 'yon, wala na akong ibang nakita pa kundi takot sa mukha ni Axel.
BINABASA MO ANG
Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Terror"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila tao at hinding-hindi sila titigil hanggang sa mapatay nila tayong lahat!"