XXVIII : 778

86.4K 4.4K 6K
                                    



(Chapter theme above; Follow you down – lights)

x NO TO SPOILERS x

XXVIII:

778

THIRD PERSON'S POV



Napalunok si Dana at paulit-ulit na humikbi. Tila ba napansin ni Dondy ang umagos na luha mula sa mga mata ni Dana kaya naman napahawak siya magkabilang pisngi ni Dana at unti-unting ipinatong ang dalawang naaagnas na hintuturo sa mga mata nitong nakasara.


"Dondy 'wag! Dondy!" Pagwawala lalo ng umiiyak na si Shem.


Umalingawngaw ang napakalakas na palahaw ni Dana nang unti-unting idiniin ni Dondy ang ibabaw na bahagi ng mga hintuturo sa tuktok ng talukap ng kanyang mga mata. Dahan-dahan ang ginawang pagdiin ni Dondy na animo'y gustong iparanas kay Dana ang sakit nang unti-unti upang labis itong mahirapan.


"Hindi! Dana!" Hindi magkamayaw ang buhos ng luha ni Shem dahil sa nasasaksihan. Biglang bumalik sa alaala niya ang kwento ng buhay ni Dondy, "D-dondy inutil ka! Tama ang mga magulang mo! Inutil ka at salot! Wala kang kwenta! Dapat hindi ka na bumangon mula sa libingan! Dapat nanatili ka nalang patay! Nakakakita ka na at malakas pero wala ka paring kwenta!"


Biglang natigil si Dondy sa paggalaw dahil sa mga salitang binitawan ni Shem, kasabay nito ang muling pag-alingawngaw ang palahaw ni Dana na ngayo'y nagdurugo na ang mga talukap sa mga mata.


"O diba tama ako?!!" Pagwawala pa ni Shem, "Pinanganak kang masama! Walang may kasalanan sa'yo! Pinatay ka kasi masama ka! Wala kang karapatang bumalik at maging imortal! Wala kang karapatang maghiganti sa buong bayang 'to!"


Sa isang iglap ay bigla na lamang napalingon si Dondy sa direksyon ni Shem at sa puntong iyon, walang magawa ang binata kundi mapalunok na lamang.


Gaya ng inaasahan ni Shem, binitawan ni Dondy si Dana at unti-unting naglakad patungo sa direksyon niya.


"Shem...." Duguan man ang ibabaw ng mga mata at hinang-hina dahil sa labis na sakit, hinilig ni Dana ang kanyang ulo sa direksyon ni Shem. Kasabay ng lalong pagbuhos ng luha ni Dana ang unti-unting pagkurba ng isang maliit na ngiti mukha ni Shem na animo'y sinasabing magiging okay ang lahat.


"Shem! No!" Muli, umalingawngaw ang napakalakas na tili at palahaw ni Dana nang bigla na lamang hinawakan ni Dondy ang mukha ni Shem at idinampi ang dalawa nitong hintuturo sa bawat gilid ng mga nito.


"Dondy lumapit ka sakin! Ako ang harapin mo!" Tila ba nawala sa sarili si Dana lalo na nang marinig niya ang iyak ng takot na takot nang si Shem. Sa kabila ng labis na sakit, nagpumiglas si Dana nang nagpumiglas sa kabila ng mga barbed wire na nakakabit sa kanyang mga kamay at paa.


"Dondy bumalik ka dito!" Tili ni Dana sa abot ng makakaya kasabay ng pagpatak ng luha niyang nahaluan na ng dugo mula sa sugat na nasa ibabaw ng kanyang mga mata. Sobrang pagtili niya ay namumula na ang kanyang mga mata at lalamunan, sa sobrang pagtili bumabakat na ang kanyang mga ugat sa kanyang balat.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon