Sorry natagalan ang update, been really busy with work and real-world responsibilities. I hope everyone understands <3
VIII
For the greater good
Mira
"Stop!" Biglang sigaw ni Wena dahilan para agad na maihinto ni Churchill ang sasakyan, dahilan para halos tumilapon kami mula sa kinauupuan.
"Churchill you poophead! You're going to get us killed!" Sigaw ko. Pasalamat 'tong si Churchill at malayo-layo ako sa kanya kundi siya talaga ang magiging laman ng cooler.
"Okay ka lang?" Narinig kong tanong ni Gino kay Pinky na gulong-gulo na ang buhok at putlang-putla na. Babatukan sana ni Gino si Church pero lumingon sa direksyon namin ang aligagang si Wena.
"This van won't fit on the way to the villa. We're gonna have to continue on-foot." Sabi ni Wena at walang ano-ano'y nauna nang lumabas mula sa van.
"Can you walk?" Tanong ko kay Dana na mukhang kahit papaano'y nahimasmasan na. She's still shivering cold while covered in layers of towels but atleast she looks like the same old Dana, may mga pasa sa mukha but same old Dana.
"I can run." Sambit ni Dana at nagulat ako nang bigla niyang binuksan ang cooler at kumuha ng isang lata ng softdrink. Naunahan pa niya ako sa paglabas mula sa van.
***
Dala ang mga gamit na kaya naming mabitbit, sinundan namin si Wena na mabilis ang bawat hakbang na kulang nalang ay tumakbo. Sukbit ang malaki niyang bag at yakap parin ang kanyang unan, mahigpit ang hawak ni Wena sa kanyang flashlight na itinututok niya sa dinadaanan namin. Mabuti nalang talaga at may spare flashlight si Shem na nakatago sa van niya at may mga dala rin tong mga kasama namin kaya hindi kami kinakapos sa ilaw.
"Wena sigurado ka ba dito sa dinadaanan natin?" Tanong ni Churchill habang binabagtas namin ang isang maputik na daang napapalibutan ng nagtataasang damo at naglalakihang mga puno. Napakasikip ng dinadaanan namin up to the point na halos tumama na sa mismong mga balat at mukha namin ang mga nagkakapalang dahon at sapot ng gagamba.
"Wena ilang taon ka nang hindi nakakabalik dito!" Giit naman ni Gino.
"Sweetie, no offense pero mukhang mali natong dinadaanan natin, tingnan mo oh? Para na tayong naliligaw sa loob ng gubat." Tila ba nag-aalanagan namang komento ni Pinky.
Parang napuno si Wena, huminto siya sa paglalakad at nilingon kaming lahat, "This place has been my home for years. I know this place by heart so please just trust me! I know I'm not the brightest bulb in class but you have to trust me! Granpapi made sure the villa won't be found by most people so I'm the only one who could get you there."
Sa isang iglap, binalot kami ng masidhing katahimikan lalo na sina Gino at Pinky na parang nagulat sa inasal ni Wena. Matagal bago may nakapagsalita sa amin.
BINABASA MO ANG
Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Korku"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila tao at hinding-hindi sila titigil hanggang sa mapatay nila tayong lahat!"