I : The Missing Ones

277K 9.5K 5.9K
                                    

I.

The Missing Ones

Third Person's POV

"Cielo are you even listening?!" 

Tinanggal ng walang kaemo-emosyong si Cielo ang headset na nasa tenga at isinabit ito sa kanyang leeg. Sa pamamagitan ng rearview mirror, napatingin siya sa kanyang amang galit na galit na.

"Headphones are the universal sign that I don't give a shit on anything you say. Or in other words, shut up and Don't talk to me. Please keep that in my mind." Paliwanag ng dalaga gamit ang napakalamig at walang emosyon nitong boses saka muling binalik ang headset sa kanyang tenga na tila ba walang pakialam sa ama o kahit sa buong mundo.

Dala ng galit, napahampas na lamang ang kanyang ama sa manibela. Muli niyang nilingon ang anak at napailing-iling na lamang siya sa labis na pagkadismaya.

"Stop being pissed. You have no right to be pissed. Drive. Alam kong atat na atat ka ng itapon ako sa Drayton so carry on." Muling malamig na sambit ng dalaga saka unti-unting isinandal ang noo sa bintana ng sasakyan.

Walang magawa ang kanyang ama kundi magpatuloy na lamang sa pagmamaneho. Wala na siyang magagawa dahil nagbago na talaga ang ugali ng kanyang anak. Wala na ang dating masayahin at mapagmahal na si Cielo. Nasanay na ang lahat sa bago niyang pag-uugali---Malamig. Walang pakialam at tila ba walang puso.

Napabuntong-hininga si Cielo at pinagmasdan ang napakadilim at umuulang kalangitan. Lalo siyang napayakap sa sarili nang maramdaman ang lamig saka mas hinigpitan pa niya ang kulay asul na scarf na nakapulupot sa kanyang leeg.

Napansin ni Cielo ang namumuong tubig sa bintana kaya naman gamit ang daliri, gumuhit siya rito ng isang salita---DISPAREO.

 


"Anak, hindi kita pinaparusahan. Gusto lang talaga----" Hindi na narinig pa ni Cielo ang sumunod na sinabi ng kanyang ama nang bigla na lamang bumangga sa kanila ang isa pang sasakyan na animo'y bigla na lamang sumulpot sa gitna ng kawalan.

Sa bilis ng pangyayari, tumilapon ang sasakyan nila hanggang sa mabangga ito sa isang poste. 

"Anak! Anak okay ka lang?!" Duguan man ang noo, dali-daling tinanggal ng ama ang seatbelt upang tingnan ang kalagayan ng anak na nasa likuran.

"I'm already at my worst." Walang kaemo-emosyong sambit ni Cielo na tila ba di alintana ang aksidenteng nangyari. Ubo siya ng ubo dahil sa usok, maliban dito ay mukhang hindi naman siya nasugatan. Mabuti na lamang at hindi malala ang nangyaring aksidente.

"Sir! Sir okay lang ho ba kayo?! Sir Sorry ho talaga!" Bigla na lamang nagtakbuhan ang tatlong mga binata papunta sa direksyon nila. Mistulang kaedad lamang ng mga ito si Cielo.

"Sorry?! Muntik niyo na kaming napatay! Mga lasing ba kayo?!" Nanggagalaiting lumabas ang ama ni Cielo sa sasakyan habang umaagos parin ang dugo sa kanyang noo.

Napabuntong-hininga na lamang si Cielo at kinuha ang backpack sa sahig. Bago tuluyang lumabas ng sasakyan ay muli niyang inayos ang scarf na nakapulupot sa kanyang leeg na para bang may itinatago.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon