CHAPTER 17:
Not so lucky
Dana's POV
"F-faceless Dondy?" Kahit ako, hindi napigilang mautal. "Churchill you're kidding right?" Sa sinabi niya, lalo lang tumindi ang kaba ko. Nakakagulat pero sa lahat ng mga pinagdaanan namin, wala nang imposible.
"Where are the others?" Tanong ko na lamang pero.
"H-hindi ko alam, nagising nalang ako bigla sa kabilang classroom." Nanlulumo niyang sambit. It's bad enough that this is happening tapos ngayon nagkahiwa-hiwalay pa kami. Can things get any worse?!
Nakaramdam ako ng hapdi sa palad ko at nang tingnan ko ito ay nakita kong may malaki pala akong hiwa rito. Tumigil na ito sa pagdurugo pero ngayon ko lang naramdaman ang hapdi, siguro sa sobrang tensyon noong hinahabol kami ni Wacky ay hindi ko ito napansin. Lumapit na lamang ako sa mesa, kinuha ang gunting na nakapatong sa ibabaw nito at ginupit ang maliit na bahagi ng sleeve sa jacket ko at ipinulupot na lamang ito sa sugatan kong palad kahit napakahapdi.
"Teka sandali may baril!" Biglang bulalas ni Churchill at agad lumapit sa kinaroroonan ko. Nagulat ako nang binuksan niya ang maliit na compartment sa mesa at tumambad sa amin ang isang baril.
"H-how did you—"
"Chapter 17, nagtago rito sina Jury at Elaine. Muntikan silang mapatay pero nahanap nila ang baril na'to." Sambit ni Churchill at agad na kinilatis ang mga laman nitong bala. I sure hope he knows how to use a gun.
"What chapter are we in?" Tanong ko sabay lingon sa bangkay ng estudyanteng nasa likuran lang namin.
Bago pa man makasagot si Churchill ay bigla na lamang umalingawngaw ang isang pamilyar at ubod ng lakas na tili. Kilang-kilala ko kung kanino ito nanggagaling kaya taranta kong kinuhang muli ang gunting at nagtatakbo palabas ng silid upang sundan ang pinanggagalingan nito.
"Dana sandali!" Habol ni Church sakin at bigla na lamang hinila ng malakas ang braso ko dahilan para matigil ako sa pagtakbo at bahagyang mapaatras, "Kilala mo ba 'yon?!" Aniya pa.
"I recognize that blood-curdling scream anywhere and there's only one person who could scream like that!" Giit ko at iwinakli ang kamay ni Churchill saka muling kumaripas ng takbo sa paliko-likong pasilyo ng building.
Hindi na ako pinigilan pa ni Churchill, gaya ko ay tumakbo na lamang siya ng tumakbo habang nakasunod sa akin. The whole building seemed deserted, it's still bright everywhere dahil sa sikat ng araw pero nakaka-kaba parin dahil baka hindi kami nag-iisa.
Palakas ng palakas ang naririnig naming tili, it's as if para na namin itong makakasalubong sa susunod na pasilyo. Binigilan ko ng bahagya ang pagtakbo at ganun rin si Churchill. Walang ano-ano'y tuluyan naming nakita ang pagsulpot niya mula sa kabilang pasilyo at patungo sa direksyon namin.
BINABASA MO ANG
Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Horror"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila tao at hinding-hindi sila titigil hanggang sa mapatay nila tayong lahat!"