VII : Never thought i'd ever

74.4K 3.8K 1.1K
                                    


VII

Never thought I'd ever

Third Person's POV


"D-dana?"


Habang nakasandal sa likuran ng upuan, hindi magkamayaw ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ng gulat na gulat na si Mira. Sa sobrang gulat, hindi siya makakilos at tanging iyak lamang ang nagagawa.


Kitang-kita niya mismo si Dana sa kanyang harapan, humihinga, gumagalaw at animo'y labis na naguguluhan habang hawak parin ang kutsilyong sana'y isasaksak ni Wacky kay Mira. Tila ba hindi nito nararamdaman ang sakit na dulot ng paghawak ng mahigpit sa kutsilyo kahit pa napakalaki na ng hiwa sa kanyang kamay at labis ang pag-agos ng dugo nito.


"N-nasaan ako?" Wala sa sariling sambit ni Dana habang nakatayo parin sa loob ng cooler at nakaapak sa mga bloke ng yelong nagsisimula nang matunaw. Dahil higit na mas matangkad kesa sa mismong loob ng van, lahat sila'y hindi makatayo ng maayos at bahagyang nakayuko.


"Sasama ka sakin o isa-isa kong pupugutan ng ulo ang mga mang-mang na ito sa mismong harapan mo." Kalmado ang pananalita habang nakangisi, nagbanta si Wacky at unti-unting binitawan ang hawakan ng kutsilyong ngayo'y hawak parin ni Dana.


"W-wacky?" Unti-unting pumatak ang luha sa mga mata ni Dana nang matitigan ang binatang unti-unting humahakbang patungo sa kanya. Ang mga mata nito'y labis na nag-iba, higit itong naging mas malalim at animo'y walang pahinga, at ang damit naman nito'y pawang kulay itim na.


"Wala na si Wacky." Muli nitong sambit nang may ngisi sa kanyang labi.


"Tama na ang satsat!" Biglang umalingawngaw ang isang napakalakas na sigaw dahilan para agad na mapalingon si Wacky sa kanyang likuran. Kahit sina Mira at Dana ay napalingon rin sa direksyon nito.


Labis man ang panlulumo nang tuluyang masilayan ang mukha ni Wacky, tinatagan ni Churchill ang kanyang sarili at idinaan na lamang sa sigaw ang sama ng loob kasabay ng pagtapon ng asin sa mukha ng dating kaibigan.


Kasabay ng pagluha nina Dana at Churchill ang pag-alingawngaw ng napakalakas na palahaw ng nilalang na kamukhang-kamukha ni Wacky. Animo'y nasusunog ang kanyang balat dahil sa asin nagsidampian sa kanya, sa sobrang sakit lalong lumalakas ang palahaw nito, nagiging mas malalim, nagiging mas nakakapangilabot, nagiging iba sa karaniwang boses ng normal na tao sa sobrang lakas.


"Anak ng! Anong nangyayari diyan?!" Biglang napasigaw si Gino, duguan man at nasa kanya paring kinauupuan habang katabi ang walang malay na si Pinky, nagagawa ng binata na lumingon sa direksyon ng mga ito.


"Let's go!" Tili ni Mira na animo'y tuluyang nahimasmasan. Dali-dali niyang tinulak palabas ng sasakyan ang naghihirap paring si Wacky dahilan para bumagsak ito sa sa maalikabok na daan.


"W-wacky sorry..." Mangiyak-ngiyak na sambit ni Churchill habang nakikitang naghihirap parin ito sa kanyang harapan dahil sa asing animo'y sumusunog sa balat nito. Nag-aalangan man, napailing-iling na lamang si Churchill at nagtatakbo patungo sa driver's seat.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon