XXIII : Speechless

82.3K 3.7K 2.2K
                                    



CHAPTER XXIII:

Speechless

DANA


"Churchill saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko habang hawak ang kamay ng balisa paring si Wena at sinusundan namin ang hindi mapakaling si Churchill.


Makaraan ang ilang sandaling pagtakbo sa kawalan gabay lamang ng isang flashlight ay natanaw ko ang isang malawak na parking space at nakatayo malapit rito ang isang malaking ospital. Pumasok si Churchill sa nakabukas na gate kaya naman hindi na kami nagdalawang-isip na sumunod sa kanya.


"Wala akong nabasang eksena na nangyari sa ospital. Magiging ligtas tayo dito." Aniya pa ngunit bago pa man kami tuluyang makapasok ay bigla siyang huminto sa salaming pinto.


Namimilipit man sa sakit, walang pagdadalawang-isip na hinawakan ni Churchill ang sugat niya sa noo at pinisil ito dahilan para muling umagos ang dugo mula rito. Bago pa man kami makapagtanong, biglang ginamit ni Churchill ang sariling dugo at isinusalat sa pinto ang pangalan ni Axel.


"Anong ginagawa mo?" Umiiyak na sambit ni Wena.


"Kung hindi natin mahanap ang kuya mo, siya ang makakahanap sa atin." Sambit ni Churchill habang ginuguhit ang isang arrow na animo'y tinuturo ang itaas na bahagi ng ospital. Buong atensyon si Churchill sa ginagawa ngunit sa kabila nito ay nababakas ko sa boses niyang naluluha parin siya dahil sa mga nangyari.


Pinagmasdan ko ang palad ko at tinanggal ang pirasong telang itinali ko rito. Muling bumungad sakin ang malaking sugat na dumudugo parin kaya naman tumabi ako kay Churchill at gaya niya, ginamit ko ang sugatan kong palad upang isulat ang mga pangalan nina Shem at Raze.


Parang walang hanggan ang hapding naramdaman ko habang dumadaan ang sugat ko sa magaspang na pader pero hindi ako humihinto kasi iniisip ko nalang na pagkatapos nito magkikita-kita naman kami kasi nakaligtas sila at naligaw lang... Oo yun nga, naligaw lang sila, nagkahiwa-hiwalay lang kami.


Shem is not called Shem of all trades for nothing so for sure he's okay. Sina Raze naman at Axel, siguradong ligtas rin ang mga 'yon kasi mas nauna sila dito at nagawa nilang makatagal sa lugar nato. They're okay... These idiots are okay... They should be okay.


****


Dark and deserted, these are the words I can use to describe the whole place. Para bang sa isang iglap bigla nalang nawala ang lahat ng mga tao na parang bula. May mga gamit sa sahig, may ibang mga nakaharang. May mga bahid ng dugo sa sahig at may mga bakas ng karahasan pero sa kabila nito ay wala naman kaming nakikitang mga bangkay. Malayo, mula sa hitsura ng mall at sidewalks na nagkalat ang mga bangkay.


Nang makarating kami sa pang-apat na palapag ay pumasok kami sa isang kwarto at tumambad sa amin ang anim na kama sa silid. May mga IV stands at fluid parin at ang mga kama ay magulo pa at may mga gamit pa.


"Ligtas na tayo dito diba?" Umiiyak na sambit ni Wena nang mapaupo siya sa isang kama at balisang napatitig sa kawalan.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon