NO SPOILERS ON SNS PLS
(Chapter theme above; In my veins - Andrew Belle)
XXVII:
The Plot Twist
DANA
Nararamdaman kong may pumapatak na butil ng likido sa noo ko kaya naman pinilit kong dumilat. Mabigat ang talukap ng mga mata ko, para bang ano mang oras ay mawawalan na naman ako ng ulirat kaya naman paulit-ulit kong ginalaw ang ulo ko.
With all my might, I moved my head in swaying motion from side to side. It was then that memories flashed before my eyes; how I had to come face to face with the horrible person I used to be, how Churchill's lifeless body laid in my arms and how Dondy appeared all of a sudden.
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Malabo man ang paningin, naaninag ko naman ang mga kalawang sa napakaruming dingding at ang nakabitin na bumbilya sa kisame na naglalabas ng mala kulay dilaw na ilaw. May naaamoy akong napakasangsang, kagaya ito ng naamoy ko nang daanan ko ang kalsadang puno ng mga bangkay, higit na mas nakakasulasok dahil humahalo rin sa hangin ang amoy ng mga alikabok, kalawang at parang mga kemikal.
Natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa isang nangangalawang nang silya, sinubukan kong gumalaw ngunit nakatali ang dalawa kong kamay ko sa hawakan na nasa bawat gilid nito. Mahaba ang mga paa ng silya at mula sa kinauupuan ko'y kitang-kita ko an gang mga bahid ng dugo sa sahig.
I clenched my lips together and took a deep breath as I tried to pull my arms off the bloodied rope.
Napasinghap ako sa sobrang sakit ng braso kong natusok ng mga bubog. Konting galaw lang nito, namimilipit na ako sakit kaya ang kabilang braso na lamang ang galaw ko.
Habang nagpupumiglas ako sa pagkakatali, nililibot ko ang paningin ko. Nakita ko ang sistema ng mga tubo sa kisame, ang tatlong lumang kamang gawa sa metal na nasa tabi ko at ang pintong bahagyang nakabukas. Mahaba ang silid, hindi ko makita ang nasa dulo dahil sa kulay putting kurtinang nasa gilid ng pangatlong kama mula sa kinauupuan ko. Ang mga kama, para itong kagaya ng mga nasa ospital na may mga bakal sa bawat gilid bilang harang ngunit wala itong kahit na anong kutson, kumot o unan. Parang napakaluma na ng buong silid, mula sa mga gamit hanggang sa bawat detalye ng pader.
"Diana, don't be weak." Bulong ko na lamang sa sarili ko habang pilit na iginagalaw ang kamay ko. Habang ginagawa ko ito ay biglang sumagi sa akin ang mukha ng mga kaibigan ko, ang takot sa mukha ni Mira nang tumagos ang kamay ni Dondy sa puso niya; ang pagmamakaawa ni Wena sa dentista; ang sakit na rumehistro sa mga mata ni Axel nang makita ang bangkay ng kapatid niya; ang pag-angat ko sa mukha ni Churchill na wala nang mga mata; ang pagsaksak ni Wacky sa sarili niya para lang mailigtas ang sarili niya; at ang pamamalaam ni Cielo habang nakatayo sa gilid ng tulay.
Napatili ako sa sobrang sama ng loob at mas lalo pang binilisan ang galaw. Sa sobrang sama ng loob, ang buong katawan ko na ang ginagalaw ko. Sa sobrang sama ng loob, nagwawala na ako. Naninikip ang puso, nanggigigil ako sa bawat galaw ko. Nararamdaman kong gumagalaw na mismo ang buong upuan kaya lalo pa akong nanggigil sa paggalaw hanggang sa bigla na lamang mawalan ng balanse ang upuan at bumagsak ito kasama ako sa sahig.
BINABASA MO ANG
Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Horor"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila tao at hinding-hindi sila titigil hanggang sa mapatay nila tayong lahat!"