CHAPTER IX:
Discrepancy
THIRD PERSON'S POV
"Bwisit, ang swerte ko nga naman talaga." Sambit ni Wacky habang tinitigan ang kanyang sarili sa salaming nakalagay loob ng kanyang locker. Napadila si Wacky sa kanyang daliri at hinimias ang kanyang kilay. Bahagya niyang itinaas ang kanyang ulo at hinaplos-haplos ang kanyang panga habang kagat ang ibabang labi.
Mula sa salamin ay nakita niya ang isang babaeng dumadaan sa kanyang likuran. Kunot ang noo ng babae ng magtama ang kanilang mga tingin na animo'y labis na naguguluhan ang babae at nandidiri dahil sa kinikilos ni Wacky.
Dali-daling humarap si Wacky sa dalaga at ipinamalas ang kanyang mapanghamong ngisi.
"Miss Ganda! Gusto mo nito no? Tara sa rooftop!" Alok ni Wacky sabay hip-thrust ng paulit-ulit habang nakataas ang dalawang nakakuyom na kamao sa direksyon ng babae. Habang kagat parin ang labi ay kinindatan pa niya ito sabay muling labas ng dila.
"Ewww!" Napatili ang babae at sa sobrang gulat ay agad itong namutla at nagtatakbo palayo.
"Arte." Natawa na lamang si Wacky at ibinalik na lamang ang tingin sa kanyang locker. Muli niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin at inayos ang kanyang buhok. Hindi gaya noon ay hindi na siya mukhang puyat at nangangayayat. Bakas ang sigla sa kanyang pangangatawan lalo na sa kanyang pagmumukha.
Isinara ni Wacky ang kanyang locker at laking gulat niya nang bumungad sa kanya si Churchill.
"Pre alam ko na yung kanta sa cartoons! May nag-bluetooth na sakin ng buong kanta! Yo-kai pala yon!" Buong galak na bulalas ni Churchill sabay paandar sa kanyang cellphone. Walang ano-ano'y kasabay ng pagsisimula ng kanta ay agad na sumayaw si Churchill ng bigay todo. Habang itinataas ang kanyang mga kamay at eksaheradong gumagalaw ay panay ang pagtaas-baba ng kanyang kilay na animo'y inuudyukan si Wacky na sumabay sa kanya.
Agad na napangiwi si Wacky na para bang diring-diri.
"Nakalimutan mo na agad yung steps?!" Bulalas ni Churchill. Naguguluhan man sa kinikilos ni Wacky ay nakanganga parin si Churchill na animo'y tuwang-tuwa habang sumasayaw.
Makaraan ang ilang sandali ay unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Churchill at napako siya sa kinatatayuan nang makita ang dugong unti-unting umagos pababa ng ilong ni Wacky.
BINABASA MO ANG
Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Horror"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila tao at hinding-hindi sila titigil hanggang sa mapatay nila tayong lahat!"